All posts by frdp123

My Only You – Chapter 10

My Only You – Chapter 10

KUYA DEAN is blind. Naaksidente siya sa Amerika!”

“What?!” nagimbal na naman siya sa pag-amin ni Sam.

“Kaya niya pinauwi si kuya Kean at magkunwaring siya sa harapan mo at sa amin, para maalagaan ka. He still think of you kahit bulag siya. Hindi naman makatanggi si Kuya Kean dahil nga mahal niya ang kakambal. Hindi niya pinaalam sa ‘yo instead, dahil ayaw niyang nakikita kang nasasaktan dahil sa kalagayan niya at baka mag-iba ang pagtingin mo sa kanya” paliwanag nito.

“Kung mahal niya ako, hindi niya ko lolokohin Sam. Maiintindahan ko at matatanggap ang kalagayan niya dahil mahal na mahal ko siya. Pero sa ginawa niyang ito, hindi ko alam kung maiintindihan ko siya” aniya habang hilam ang mga mata niya ng mga luha. “Hanggang kailan nila ako gagawing tanga?” panunumbat niya.

“Dan” mahinahong sambit ni Sam. “Patawarin mo na ang mga kuya ko.”

Hindi siya makapagsalita dahil sa nalaman. Kaya pala parang may iba sa ikinikilos ni Dean ay dahil si Kean pala iyon. Para siyang binagsakan ng langit dahil nalaman niya ng tungkol sa nangyari kay Dean na itinatago nito sa kanya. Muli ay dumaloy na naman ang mga luha niya sa pisngi. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ‘yon kay Dean at inihilim pa sa kanya at niloko.

“Bes’, patawarin mo na si kuya Dean, please?” pagsusumamo nito sa kanya. “Patawarin mo na rin si kuya Kean dahil sa ginawa niya. Magtatapat na sana siya sa ‘yo bago siya pumunta ng Amerika pero naduwag siya.” dagdag pa nito at tuluyan na itong humahagulgol.

“Ewan ko Sam. Hindi ko alam ang isasagot ko. All this time, pinagmukha nila akong tanga!” may halong galit niyang sabi habang hilam pa rin ang mga mata ng luha niya. “I’m sorry Sam pero hindi ko pa maibibigay ang hinihingi mong kapatawaran on behalf of your brothers.” Iyon lang at tumayo na siya at pagkatapos ay mabilis siyang lumayo sa kaibigan. Iniwan niya itong lumuluha rin. Hindi niya gustong iwan ito pero kailangan niyang mapag-isa at alam niyang naiintindihan siya ni Sam.

ILANG araw na siyang walang tulog mula no’ng magkausap sila ni Sam. Inaamin niyang nagalit siya dahil niloko siya at pinagmukhang tanga ng magkambal. Ngunit nabawasan ‘yon dahil mahal niya si Dean. Handa na sana niyang patawarin ito kapag humingi ito ng kapatawaran pero naghihintay lang siya sa wala. Hindi man lang ito nag-effort na tawagan siya para magsorry.

One year later…

“Kumusta na pakiramdam mo hijo?” pilit ang ngiting sumilay sa mga labi ng ina.

“Heto, nanghihina but I’m ok. Don’t worry too much mom” ngumiti na rin siya. “By the way, where’s Dean and Sam?”

“Ando’n pa sa bahay. Maya-maya ay darating na rin ang mga ‘yon” anito at kumuha ng pagkain. Pagkabalik nito sa may higaan niya ay kinuha niya ang isang envelope at binigay niya sa ina. “Ano ito Kean?” takang tanong nito.

“Please give it to Danielle mom. Give it to her after my..” may pait sa kanyang ngiti bago niya pinagpatuloy ang sasabihin. “..my death.”

“No baby, don’t say that” maluha-luhang sabi ng mommy niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol sa kalagayan niya. At alam niyang hindi pa rin nito natatanggap ang kalagayan niya. At doon siya nasasaktan ng husto.

Dumating sila Dean at Sam pagkatapos ng ilang sandali. Gaya ng inaasahan ay may iyakan pero pilit nilang natatanggap ang kalagayan niya. Ni minsan ay hindi sila kumukwestyon sa Maykapal.

Naging mahirap sa kanya ang bawat araw. Naging masumpungin ang kanyang sakit. Ok lang sa kanya kung siya ang nasasaktan pero kapag nakikita niyang nasasaktan din ang mga mahal niya sa buhay ay mas dodoble pa. Ilang buwan nalang ang kanyang hinihintay.

KNOCK KNOCK KNOCK

Tatlong katok ang nagpabalikwas sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng inis dahil kasasabi lang niya sa sekretarya niya na ayaw niyang padidisturbo. Hindi siya nag-angat ng ulo at nakatutok pa rin sa mga mga papeles. Ni hindi siya sumagot. Biglang narinig niya ang pagbukas ng pinto.

“Martha, I’ve told you not to disturb me” pagalit niyang sabi habang nakatutok pa rin sa mga papel na hawak.

” Hello, Engr. Rodriguez” bati sa kanya ng isang pamilyar na boses. Para makilala ang may-ari ng boses ay nag-angat siya ng ulo. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. “Looks like you’ve working so hard!”  nakangiti nitong dagdag.

“Sam?” hindi makapaniwalang bulalas niya. At nilapitan siya nito at niyakap.

“Over ka ‘bes ha! Para kang nakakita ng multo” natatawa nitong sabi.

“No ‘bes, mas lalo kang gumanda. Muntik ng hindi kita makilala ah!” natatawa na rin siya. “Kailan pa ka… I mean, kailan ka pa dumating?”

Tumawa ito ng malakas dahil sa pagkamali niya. “Last week pa. Ikaw nga d’yan eh, ibang-iba ka na manamit! Glamorous and sophisticated kahit puro trabaho ang ginagawa mo!”

“I have to ‘bes. Ito na ang buhay ko simula ng nagmigrate kayo sa Amerika” may halong lungkot sa boses niya ng masabi niya ‘yon.

“Anyway ‘bes, night out tayo mamaya ha, sa dati nating tagpuan and I don’t take for a no answer” bago siya makasagot ay inunahan na siya nito. Sabagay, she needs a break. Matagal na rin siyang hindi nakapagnight-out. “Well, hindi na ‘ko magtatagal, magkita nalang tayo mamaya” sabi nito sabay tayo. Tumayo na rin siya para hagkan ang kaibigan.

Gusto pa sana niyang kumustahin ang kaibigan, alam kasi niya ang tungkol sa pagkamatay ni Kean. Labis siyang nasaktan sa pagkawala ni Kean. Kahit medyo nagalit siya dahil sa pagpapanggap nito bilang si Dean ay kahit minsan ay minahal niya ito. Napatawad na niya ito noon pa. Aside that, gusto rin niyang malaman kung saan na si Dean pero nagdalawang-isip siya.

Maaga siyang lumabas ng opisina ng araw na ‘yon. Pagkalabas niya ay nanibago siya. Nasanay na kasi siyang gabi na kung umuwi dahil sa kaka OT niya. Her boss saw her and he smile and nod at alam niya kung bakit. Sabi nga ng boss niya noong nadatnan siya nitong nasa opisina pa siya kahit gabing-gabi na, ‘get a life Danielle, you need a break. Hindi lang puro trabaho ang ginagwa mo. Enjoy your life and enjoy your being young’.

Bago siya umuwi ay dumaan muna sa parlor para magpahot oil at magpaganda. Ewan ba niya kung bakit siya nagpaganda pero naisip lang niya ‘yon. Bigla siyang kinabahan nang maalala niyang baka nando’n si Dean. Hindi siya handa sa muling paghaharap nilang dalawa. Bahala na.

Matapos siyang magpaparlor ay umuwi siya agad sa condo niya. At nang makauwi ay nagbihis siya agad. She wears sparkly top that adds interest to the look and tucked it into her favorite All Saints bubble skirt, belted high on her waist and a 4 inch black high heels. And finished it all off with a green clutch that adds a pop of color and some dark metal jewelry for a little bit of a rocker edge. After watching herself at the mirror, she smiles and then she moves out of her condo.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na siya sa lugar kung saan magkikita sila. Nagdalawang-isip pa siyang lumabas sa kotse niya, parang biglang nawala ang self confidence. Pero wala ng urungan, kaya huminga muna siya ng malalim at pinatay ang engine at lumabas ng kotse.

“Dan?” tawag sa kanya at napalingon siya agad. It’s Jacob!

“Kuya Jacob?” bulalas niya at ngumiti. “Nandito ka rin? Long time no see!”

“Wow! You look more beautiful Dan!” paghanga nito. Hindi sinagot ang tanong niya.

“Thank you” nahihiya niyang sabi. “Ahem, don’t look at me like that kuya baka matutunaw ako niyan” biro niya rito.

Natawa ito, “oh sorry!, I can’t help myself to admire you, you really look good in your outfit. Well?” anito sabay lahad ng kanang braso nito hudyat para ikapit niya ang kamay niya. “It’s getting cold here at baka tayo nalang ang hinihintay nila.”

“Ok” natatawa niyang sabi.

Hindi siya makapaniwala dahil muli silang nagsama-samang magkakabarkada sina Jacob, Sherwin, Jonas, Robert, Cathy, Nicole and Sam. Nagkumustahan sila at puro puri naman ang mga ito sa kanya. Medyo nanghinayang siya dahil wala si Dean, ngunit hindi niya ipinahalata sa mga kaibigan.

“Dan, may hinahanap ka ba?” untag ni Sam na nangingiti.

“Huh? Ah-eh, wala” nauutal niyang sagot at ngumiti para takpan ang pagkahiya.

“Ah ok. You know what ‘bes? I really missed you” sensirong sabi nito at niyakap siya.

“Me too ‘bes. Hindi ako nasanay na hindi kita nakikita” siya rin.

“Hmmm, you look sad ‘bes, cheer up! Just enjoy the night but ‘wag ka nang iinom ng tequilla baka kung ano na naman ang gawin mo” ngumiti siya nang maalala ang nangyari noon. “Anyway, may isang taong dadating pa mamaya” makahulugan nitong sabi sa kanya at ngumiti.

“CR muna ‘ko ‘bes” paalam niya para hindi siya mahalata. Tango lang ang sagot nito at dali-dali siyang pumunta ng banyo.

Para siyang hindi mapakali ng sabihin iyon ni Sam. Alam niya kung sino ang dadating at sobrang kaba ang naramdaman niya na may halong excitement.

‘Ano na kaya ang hitsura niya? Ito pa rin ba ang dating Dean na minahal niya at mahal siya? Mahal pa ba siya nito o baka may iba na ito?’ naisip niya.

“He’s getting married?” nadatnan niyang tanong mula kay Sherwin.

“Yeah! At invited kayong lahat. Well, siya nalang ang magsasabi sa inyo dahil ang alam ko, mga abay niya kayo” nangingiting sabi ni Sam at tumingin sa kanya. “Oh, heto dumating na pala siya. Speaking of the devil.” Ang lahat ay nakatitig sa parating na si Dean.

Si Dean? Si Dean ay ikakasal na? Kanino? At nakita niya ang kasagutan. Isang sopistikada at magandang babae ang kasama ni Dean na parating sa mesa nila. Nakakapit ito sa braso ng binata at ubod nang tamis sa ngiti na sumilay sa mga labi nito at ganito rin si Dean.

Parang tinutusok ng kutsilyo ang puso niya sa nakita at nalaman. Her heart beats abnormally na parang hindi na siya makahinga. All this time ay umasa siya pero ito pala ang ang napala niya.

Pilit niyang pinakalma ang sarili. Ayaw niyang mahalata ng mga ito na apektado siya. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng mga ito. She’s done crying every night at nakamove on na siya pero bakit masakit pa rin. Dahil ba sa umasa siya?

At nang makalapit ang mga ito, nagtama ang mga mata nila. Hindi niya sigurado pero nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito nang makita siya nito o dahil inlove ito at ikakasal na? And it hurts more dahil alam niyang ang huli ang dahilan.

Ano kaya ang magiging ending ng kwento nina Dean at Kean?

Abangan ang huling kabanata ng My Only You sa susunod na Sabado.

Sana magustuhan niyo… Lav yah!! 🙂

My Only You – Chapter 10

My Only You – Chapter 10

KUYA DEAN is blind. Naaksidente siya sa Amerika!”

“What?!” nagimbal na naman siya sa pag-amin ni Sam.

“Kaya niya pinauwi si kuya Kean at magkunwaring siya sa harapan mo at sa amin, para maalagaan ka. He still think of you kahit bulag siya. Hindi naman makatanggi si Kuya Kean dahil nga mahal niya ang kakambal. Hindi niya pinaalam sa ‘yo instead, dahil ayaw niyang nakikita kang nasasaktan dahil sa kalagayan niya at baka mag-iba ang pagtingin mo sa kanya” paliwanag nito.

“Kung mahal niya ako, hindi niya ko lolokohin Sam. Maiintindahan ko at matatanggap ang kalagayan niya dahil mahal na mahal ko siya. Pero sa ginawa niyang ito, hindi ko alam kung maiintindihan ko siya” aniya habang hilam ang mga mata niya ng mga luha. “Hanggang kailan nila ako gagawing tanga?” panunumbat niya.

“Dan” mahinahong sambit ni Sam. “Patawarin mo na ang mga kuya ko.”

Hindi siya makapagsalita dahil sa nalaman. Kaya pala parang may iba sa ikinikilos ni Dean ay dahil si Kean pala iyon. Para siyang binagsakan ng langit dahil nalaman niya ng tungkol sa nangyari kay Dean na itinatago nito sa kanya. Muli ay dumaloy na naman ang mga luha niya sa pisngi. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ‘yon kay Dean at inihilim pa sa kanya at niloko.

“Bes’, patawarin mo na si kuya Dean, please?” pagsusumamo nito sa kanya. “Patawarin mo na rin si kuya Kean dahil sa ginawa niya. Magtatapat na sana siya sa ‘yo bago siya pumunta ng Amerika pero naduwag siya.” dagdag pa nito at tuluyan na itong humahagulgol.

“Ewan ko Sam. Hindi ko alam ang isasagot ko. All this time, pinagmukha nila akong tanga!” may halong galit niyang sabi habang hilam pa rin ang mga mata ng luha niya. “I’m sorry Sam pero hindi ko pa maibibigay ang hinihingi mong kapatawaran on behalf of your brothers.” Iyon lang at tumayo na siya at pagkatapos ay mabilis siyang lumayo sa kaibigan. Iniwan niya itong lumuluha rin. Hindi niya gustong iwan ito pero kailangan niyang mapag-isa at alam niyang naiintindihan siya ni Sam.

ILANG araw na siyang walang tulog mula no’ng magkausap sila ni Sam. Inaamin niyang nagalit siya dahil niloko siya at pinagmukhang tanga ng magkambal. Ngunit nabawasan ‘yon dahil mahal niya si Dean. Handa na sana niyang patawarin ito kapag humingi ito ng kapatawaran pero naghihintay lang siya sa wala. Hindi man lang ito nag-effort na tawagan siya para magsorry.

One year later…

“Kumusta na pakiramdam mo hijo?” pilit ang ngiting sumilay sa mga labi ng ina.

“Heto, nanghihina but I’m ok. Don’t worry too much mom” ngumiti na rin siya. “By the way, where’s Dean and Sam?”

“Ando’n pa sa bahay. Maya-maya ay darating na rin ang mga ‘yon” anito at kumuha ng pagkain. Pagkabalik nito sa may higaan niya ay kinuha niya ang isang envelope at binigay niya sa ina. “Ano ito Kean?” takang tanong nito.

“Please give it to Danielle mom. Give it to her after my..” may pait sa kanyang ngiti bago niya pinagpatuloy ang sasabihin. “..my death.”

“No baby, don’t say that” maluha-luhang sabi ng mommy niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol sa kalagayan niya. At alam niyang hindi pa rin nito natatanggap ang kalagayan niya. At doon siya nasasaktan ng husto.

Dumating sila Dean at Sam pagkatapos ng ilang sandali. Gaya ng inaasahan ay may iyakan pero pilit nilang natatanggap ang kalagayan niya. Ni minsan ay hindi sila kumukwestyon sa Maykapal.

Naging mahirap sa kanya ang bawat araw. Naging masumpungin ang kanyang sakit. Ok lang sa kanya kung siya ang nasasaktan pero kapag nakikita niyang nasasaktan din ang mga mahal niya sa buhay ay mas dodoble pa. Ilang buwan nalang ang kanyang hinihintay.

KNOCK KNOCK KNOCK

Tatlong katok ang nagpabalikwas sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng inis dahil kasasabi lang niya sa sekretarya niya na ayaw niyang padidisturbo. Hindi siya nag-angat ng ulo at nakatutok pa rin sa mga mga papeles. Ni hindi siya sumagot. Biglang narinig niya ang pagbukas ng pinto.

“Martha, I’ve told you not to disturb me” pagalit niyang sabi habang nakatutok pa rin sa mga papel na hawak.

” Hello, Engr. Rodriguez” bati sa kanya ng isang pamilyar na boses. Para makilala ang may-ari ng boses ay nag-angat siya ng ulo. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. “Looks like you’ve working so hard!”  nakangiti nitong dagdag.

“Sam?” hindi makapaniwalang bulalas niya. At nilapitan siya nito at niyakap.

“Over ka ‘bes ha! Para kang nakakita ng multo” natatawa nitong sabi.

“No ‘bes, mas lalo kang gumanda. Muntik ng hindi kita makilala ah!” natatawa na rin siya. “Kailan pa ka… I mean, kailan ka pa dumating?”

Tumawa ito ng malakas dahil sa pagkamali niya. “Last week pa. Ikaw nga d’yan eh, ibang-iba ka na manamit! Glamorous and sophisticated kahit puro trabaho ang ginagawa mo!”

“I have to ‘bes. Ito na ang buhay ko simula ng nagmigrate kayo sa Amerika” may halong lungkot sa boses niya ng masabi niya ‘yon.

“Anyway ‘bes, night out tayo mamaya ha, sa dati nating tagpuan and I don’t take for a no answer” bago siya makasagot ay inunahan na siya nito. Sabagay, she needs a break. Matagal na rin siyang hindi nakapagnight-out. “Well, hindi na ‘ko magtatagal, magkita nalang tayo mamaya” sabi nito sabay tayo. Tumayo na rin siya para hagkan ang kaibigan.

Gusto pa sana niyang kumustahin ang kaibigan, alam kasi niya ang tungkol sa pagkamatay ni Kean. Labis siyang nasaktan sa pagkawala ni Kean. Kahit medyo nagalit siya dahil sa pagpapanggap nito bilang si Dean ay kahit minsan ay minahal niya ito. Napatawad na niya ito noon pa. Aside that, gusto rin niyang malaman kung saan na si Dean pero nagdalawang-isip siya.

Maaga siyang lumabas ng opisina ng araw na ‘yon. Pagkalabas niya ay nanibago siya. Nasanay na kasi siyang gabi na kung umuwi dahil sa kaka OT niya. Her boss saw her and he smile and nod at alam niya kung bakit. Sabi nga ng boss niya noong nadatnan siya nitong nasa opisina pa siya kahit gabing-gabi na, ‘get a life Danielle, you need a break. Hindi lang puro trabaho ang ginagwa mo. Enjoy your life and enjoy your being young’.

Bago siya umuwi ay dumaan muna sa parlor para magpahot oil at magpaganda. Ewan ba niya kung bakit siya nagpaganda pero naisip lang niya ‘yon. Bigla siyang kinabahan nang maalala niyang baka nando’n si Dean. Hindi siya handa sa muling paghaharap nilang dalawa. Bahala na.

Matapos siyang magpaparlor ay umuwi siya agad sa condo niya. At nang makauwi ay nagbihis siya agad. She wears sparkly top that adds interest to the look and tucked it into her favorite All Saints bubble skirt, belted high on her waist and a 4 inch black high heels. And finished it all off with a green clutch that adds a pop of color and some dark metal jewelry for a little bit of a rocker edge. After watching herself at the mirror, she smiles and then she moves out of her condo.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na siya sa lugar kung saan magkikita sila. Nagdalawang-isip pa siyang lumabas sa kotse niya, parang biglang nawala ang self confidence. Pero wala ng urungan, kaya huminga muna siya ng malalim at pinatay ang engine at lumabas ng kotse.

“Dan?” tawag sa kanya at napalingon siya agad. It’s Jacob!

“Kuya Jacob?” bulalas niya at ngumiti. “Nandito ka rin? Long time no see!”

“Wow! You look more beautiful Dan!” paghanga nito. Hindi sinagot ang tanong niya.

“Thank you” nahihiya niyang sabi. “Ahem, don’t look at me like that kuya baka matutunaw ako niyan” biro niya rito.

Natawa ito, “oh sorry!, I can’t help myself to admire you, you really look good in your outfit. Well?” anito sabay lahad ng kanang braso nito hudyat para ikapit niya ang kamay niya. “It’s getting cold here at baka tayo nalang ang hinihintay nila.”

“Ok” natatawa niyang sabi.

Hindi siya makapaniwala dahil muli silang nagsama-samang magkakabarkada sina Jacob, Sherwin, Jonas, Robert, Cathy, Nicole and Sam. Nagkumustahan sila at puro puri naman ang mga ito sa kanya. Medyo nanghinayang siya dahil wala si Dean, ngunit hindi niya ipinahalata sa mga kaibigan.

“Dan, may hinahanap ka ba?” untag ni Sam na nangingiti.

“Huh? Ah-eh, wala” nauutal niyang sagot at ngumiti para takpan ang pagkahiya.

“Ah ok. You know what ‘bes? I really missed you” sensirong sabi nito at niyakap siya.

“Me too ‘bes. Hindi ako nasanay na hindi kita nakikita” siya rin.

“Hmmm, you look sad ‘bes, cheer up! Just enjoy the night but ‘wag ka nang iinom ng tequilla baka kung ano na naman ang gawin mo” ngumiti siya nang maalala ang nangyari noon. “Anyway, may isang taong dadating pa mamaya” makahulugan nitong sabi sa kanya at ngumiti.

“CR muna ‘ko ‘bes” paalam niya para hindi siya mahalata. Tango lang ang sagot nito at dali-dali siyang pumunta ng banyo.

Para siyang hindi mapakali ng sabihin iyon ni Sam. Alam niya kung sino ang dadating at sobrang kaba ang naramdaman niya na may halong excitement.

‘Ano na kaya ang hitsura niya? Ito pa rin ba ang dating Dean na minahal niya at mahal siya? Mahal pa ba siya nito o baka may iba na ito?’ naisip niya.

“He’s getting married?” nadatnan niyang tanong mula kay Sherwin.

“Yeah! At invited kayong lahat. Well, siya nalang ang magsasabi sa inyo dahil ang alam ko, mga abay niya kayo” nangingiting sabi ni Sam at tumingin sa kanya. “Oh, heto dumating na pala siya. Speaking of the devil.” Ang lahat ay nakatitig sa parating na si Dean.

Si Dean? Si Dean ay ikakasal na? Kanino? At nakita niya ang kasagutan. Isang sopistikada at magandang babae ang kasama ni Dean na parating sa mesa nila. Nakakapit ito sa braso ng binata at ubod nang tamis sa ngiti na sumilay sa mga labi nito at ganito rin si Dean.

Parang tinutusok ng kutsilyo ang puso niya sa nakita at nalaman. Her heart beats abnormally na parang hindi na siya makahinga. All this time ay umasa siya pero ito pala ang ang napala niya.

Pilit niyang pinakalma ang sarili. Ayaw niyang mahalata ng mga ito na apektado siya. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng mga ito. She’s done crying every night at nakamove on na siya pero bakit masakit pa rin. Dahil ba sa umasa siya?

At nang makalapit ang mga ito, nagtama ang mga mata nila. Hindi niya sigurado pero nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito nang makita siya nito o dahil inlove ito at ikakasal na? And it hurts more dahil alam niyang ang huli ang dahilan.

Ano kaya ang magiging ending ng kwento nina Dean at Kean?

Abangan ang huling kabanata ng My Only You sa susunod na Sabado.

Sana magustuhan niyo… Lav yah!! 🙂

My Only You – Chapter 9

My Only You – Chapter 9

MAGTAPAT ka nga kuya. Anong dapat malaman namin ni mommy?” tanong agad ni Sam sa kanya, isang umaga, nang makalabas siya sa kwarto.

“What are you saying?” maang na balik tanong niya. Nagulat siya sa tanong nito kaya iniwas niya agad ang tingin dito.

“Don’t get me wrong kuya, I heard you last night” sabi nito. Tumitig ito sa kanya na nagpakaba sa kanya.

“O-H M-Y G-O-D!!!” biglang sambit nito habang tinutop nito ang bibig. “You’re not kuya Dean! You’re kuya Kean!” hindi makapaniwalang kompermasyon ni Sam.

Nabigla siya sa mga nalaman nito kaya naman hindi siya nakapagsalita agad.

“Ano naman ‘tong kalokohang pinaggagawa niyo kuya? Hindi na kayo nahiya, dinamay niyo pa si Dan? This is not funny anymore. Ginagawa niyong tanga hindi lang kami ni mommy pati na rin si Dan. Para kayong….” Hindi na niya pinatapos ang kapatid sa sabihin nito.

“Dean can’t see anymore!” bigla niyang sabi habang hinihilamos niya ang palad sa mukha niya at nakita niya ang pagkabigla ni Sam at napasinghap si Sam.

“He had a terrible accident in America.” Sapat na ang narinig ng kapatid para tumulo ang mga luha nito kaya naman ay niyakap niya agad ang kapatid.

“How could you hide this to us kuya Kean? We’re your family” sabi nito na may halong pagtatampo. “How was he? Where is he now?” tanong nito na bakas ang pag-alala.

“Sshh! Tahan na sis! I’m so sorry kung hindi man lang namin nasabi sa inyo. Sinadya talaga niya na hindi sabihin sa inyo dahil ayaw niyang nakikita kayong nahihirapan dahil sa kanya” paliwanag niya.

Ikinuwento niya lahat sa kapatid, kung kailan at paano naaksidente si Dean. Kung bakit sila nagpalit ng pwesto ni Dean. Kung ano ang mga kahilingan ng kakambal. At kung ano na ang kalagayan ngayon ni Dean.

Pagkatapos niyang ikwento lahat at pumunta sila sa mommy nila. Gaya ng inaasahan ay nagalit ito dahil inilihim nila ito sa kanya. Mabuti nalang ay hindi ito inatake sa puso. Pagkatapos ay pinuntahan nila si Dean sa rest house nila kung saan ito nagpapahinga. Nag-iyakan silang lahat pagkakita sa kapatid. Hindi niya mapigilan ang sarili kaya pumunta muna siya sa paborito nilang tambayan malapit sa dalampasigan.

“Kuya Kean! Bakit ka umalis?” bungad sa kanya ni Sam pagkaraan ng ilang sandali. “I knew it, dito lang kita makikita” dagdag pa nito.

“This place reminds me of our childhood days. I feel relax whenever I’m here” nasabi lang niya. Pilit niyang pinasaya ang boses niya. “Kumusta na si mommy?” tanong niya rito habang hindi pa rin niya tinitingnan ang kapatid.

“Ayon, unti-unti nang natatanggap ang kalagayan ni Kuya Dean gaya ko. Aalis siya ngayon para mamalengke dahil hindi pa dumating si Aleng Lorna. She decided to be with kuya para maalagaan niya ito.” anito habang umupo sa tabi niya.

Bumuntong hininga siya dahil sa kakaisip sa mga problemang dumating. At isa doon ay ang problema niya. Kailangan ba niyang ipaalaman sa pamilya niya ang natuklasan niya? Nakikinita na niya ang magiging reaksiyon ng pamilya niya.

“Si Dan ba ang iniisip mo?” Nagulat siya sa tanong ng kapatid kaya napatingin siya sa kapatid. Kunot-noo niya itong tinitigan.

“Si Dan pala!” bulong niya sa sarili. Paano ba niya sasabihin na hindi siya si Dean?

“Alam mo kuya Kean, you need to tell her na hindi ikaw si kuya Dean habang maaga pa!” dagdag nito ng hindi siya nakaimik.

“I know” matipid niyang sabi. “Pero takot ako sa magiging reaksyon niya pagnalaman na niya ang totoo baka magalit siya kay Dean” patuloy niya.

“What do you expect her to do? Magtatalon sa tuwa?” pamimilosopo nito.

Tama naman ito, hindi talaga matutuwa si Dan kapag nalaman nito ang totoo. Ewan ba niya pero he’s afraid that Dan will hate him and his brother. Na baka hindi na siya mapapatawad nito. Pero kailangan na niyang ipagtapat ang lahat para matapos na ang dapat matapos.

“WE NEED to talk” bungad sa kanya ni “Dean” habang binubuksan niya ang likurang pinto ng kanyang Crosswind para ipasok ang mga gamit niyang pangthesis. Kahit nakatalikod siya ay nakilala pa rin niya ang may-ari ng boses kahit medyo naiba ang boses nito.

“I think we have nothing to talk about” malamig na tugon niya at hindi pa siya humarap sa kausap. She makes herself busy in arranging her stuff. Paraan niya ito para maramdaman ni “Dean” na ayaw niyang makausap ito.

Ayaw niyang makaharap ito dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili na yakapin ito. Kinapa niya ang puso niya, bakit parang wala masyadong impact ngayon si Dean, pero kinakabahan pa rin siya. Ayan tuloy, feeling niya ay nanghihina siya. Nang mapansin niyang hindi pa rin ito tuminag ay dali-dali niyang isinara ang likurang pintuan at dumiritsong lumakad patungo sa pinto ng driver’s seat. Bago niya nabuksan ang pinto ay napigilan siya ni “Dean”. Hinawakan siya nito sa mga braso at ngayon nga ay nagkaharap na sila at nagtitigan pa.

Bigla niyang iniwas ang tingin dito baka hindi nga niya mapigilan ang sarili. At ibinalik niya ang angry mode niya kanina.

“Ano ba! Bitawan mo nga ako? As I said, wala na tayong dapat pag-usapan pa!” galit niyang sabi. Parang wala naman itong narinig dahil hindi man lang siya binitiwan nito.

“Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi tayo nag-uusap!” seryoso nitong sabi.

“Eh, ano bang sa tingin mo ang ginagawa natin, ‘di ba nag-uusap na tayo?” pamimilosopo niya.

“Damn, Danielle! ‘Wag ka ngang pilosopo?” anito at bumuntong-hininga. Pinipigilan siguro nito ang pagkainis dahil sa sinabi niya. Pero naramdaman niya na humigpit ang pagkakahawak nito sa mga braso niya. “May dapat kang malaman” dagdag pa nito.

“Don’t bother to tell me because I knew it!” aniya at nakita niya ang pagkunot-noo ni “Dean”. “Hindi ako tanga para hindi malaman na ginagamit mo lang ako para pagselosin ang ex mong si Dennise at ngayon nga ay kayo na naman” galit na dagdag niya. Hindi na niya binigyang pagkakataong magsalita si “Dean” kaya nagsalita siya uli.

“How dare you to used me! Pwede ba, bitiwan mo na ako, nasasaktan na ako!” Pinigilan niya ang sariling mapaiyak. Mabuti nalang ay binitiwan na siya ni “Dean” kaya naman dali-dali siyang pumasok sa kotse niya at doo’y tumulo ang mga luhang kanina pang gustong lumabas sa mga mata niya. Nagpasalamat siya ay tinted window ang sasakyan niya dahil hindi siya nakikita nito. Agad niyang pinaandar ang sasakyan.

NAGULAT siya nang sabihin ni Dan na alam na nito ang sasabihin niya. Akala niya ay tungkol sa pagpanggap niya ang tinutukoy nito pero hindi pala. Ang tinutukoy nito ay ang hindi totoong relasyon nila ni Dennise. Nakita niya ang galit sa mga mata ni Dan ng mga sandaling iyon.

Pagkatapos niyang puntahan si Dan ay dumiritso na siya sa rest house nila kung saan namalagi pansamantala ang pamilya niya. Nasa mini bar siya at umiinom konti nang lumabas si Dean sa kwarto nito. Agad niyang nilapitan ito dahil nga hindi ito nakakakita.

“Hindi ako baldado Kean, bulag lang ako” pilit itong ngumiti pero bakas sa mukha nito ang pait na nangyari dito. “At saka, sa tagal ko na rito sa rest house ay namemorize ko na bawat sulok nito” dagdag pa nito.

Pinagbigyan nalang niya ito dahil kilala niya ang ugali nito. Ayaw nitong kaawaan siya. Pero naawa talaga siya sa kakambal kaya naman gusto niya talaga itong tulungan. Napabuntong hininga na lamang siya.

“What’s the prob bro?” tanong nito.

“Wala naman Dean. Maybe, I’m just tired! Galing pa ako sa Maynila” malungkot niyang sabi. Buti nalang ay hindi ito nakakita ngayon dahil alam niyang kukulitin siya nito.

“Aaaaa! Ganun ba?” pilit nitong pinasaya ang boses nito. “So anong problema mo? ‘Wag kang magdeny dahil kilala kita. Alam kong may dinadala kang problema. Kahit hindi ako nakakakita, ay ramdam ko” dagdag pa nito.

“I need to go back sa States Dean and we need to tell the truth to Danielle, Dean!” nasabi niya at huminga ng malalim bago tinungga ang baso na may lamang alak.

“No Kean!” tanggi nito. “I don’t want her to see me like this and I don’t want to see her hurt because of me” napalakas medyo ang boses nito.

“Mas masasaktan siya kung hindi pa natin sasabihin sa kanya!” paliwanag niya. “At ayokong mangyari iyon. I’m sorry but i broke up with her” pag-amin niya sa kakambal. Nakita niyang kinuyom nito ang mga kamao nito.

“Mas mabuti ngang maghiwalay nalang kami at kasusuklaman niya ako kaysa makita niyang ganito ang kalagayan ko. Ayoko maging pabigat sa kanya.” malungkot nitong sabi sa kanya.

“Alam mong makakakita ka pa Dean. May tsansang makakakita ka pa sabi ‘yan ng doctor mo.” aniya.

“I don’t want to hope Kean! Masasaktan lang ako, wala nang magdo-donate ng mga mata para sa akin” malungkot nitong sabi.

“Stop talking like that!” galit niyang sabi.

NAGISING si Dan sa ingay ng cellphone niya. Agad niyang kinapa ito dahil sigurado siyang may tumatawag sa kanya. Nang mahagilap niya iyon ay agad niyang pinindot ang yes button kahit hindi niya alam ang kung sino ang caller.

“Hello?” aniya habang humihikab.

“Hello Dan, I’m sorry for calling you so early” sabi sa kabilang linya. Nahimigan niya ang boses ni Sam. “Magkita tayo, I have something to tell you” sabi nito na may halong lungkot.

“Oh sure! What time and where?” aniya na excited. Nawala tuloy ang antok niya. Gusto na rin niya makita ang kaibigan. Ilang araw din niya itong hindi nakikita simula ng sembreak nila.

“Magkita tayo sa Power Plant, mga 10:30am” sagot nito.

“Oh sure!” Hindi niya alam kung ano ang sasabihin nito sa kanya. “Are you ok Sam? May problema ka ba?” tanong niya.

“No, I’m ok! Basta, doon ko nalang sasabihin sa ‘yo lahat. O sige na bes’, may pupuntahan na muna ako. I’ll text you later!” paalam nito. Hindi na siya hinintay na sumagot pa dahil pinutol na nito ang tawag.

Agad siyang napatayo sa higaan niya at naligo. Napa-puzzle pa talaga siya sa sinabi ng kaibigan. Ano kaya ang ipagtatapat nito sa kanya? Wala namang nangyari kay Sam? Ito ang mga katanungang dapat niyang sagutin.

Pagkatapos ng kalahating oras na binyahe niya ay nakarating na rin siya sa Power Plant sa Makati. Mabuti nalang ay malapit lang ito sa condo niya. Gaya ng inaasahan ay nauna na si Sam sa pagdating. Agad niyang nilapitan ang kaibigan. Pagkatapos magbatian ay pumunta sila sa Starr bucks.

“Bes’, hindi sana ako ang magsasabi nito sa ‘yo pero hindi kaya ng mga kuya ko ang magtapat sa ‘yo. Natatakot silang magagalit ka sa kanila kung nalaman mo ang totoo” mahaba-habang umpisa nito.”Alam mong mahal na mahal ka ng kuya kong si Dean.”

“Teka bes’, hindi ko naintindihan ang mga sinabi mo. Anong sa mga kuya mo? Sinong sila?” naguguluhan niyang sagot. “At saka, I doubt it na mahal talaga ako ng kuya mo” malungkot niyang sabi.

“Alam kong hiniwalayan ka ni kuya pero kailangan niya lang ‘yon gawin. At hindi si kuya Dean ang humiwalay sa ‘yo kundi si kuya Kean” paliwanag nito. Naguguluhan at nagulat siya sa mga narinig. Hindi niya naiintindihan ang mga sinabi nito.

“Kuya Kean?” tanging natanong niya.

“Oo, si kuya Kean. Ang kakambal ni kuya Dean!” pag-amin nito.

Para namang nagimbal siya sa narinig. Si Dean may kakambal? At ang lalaking nakasama niya na minahal niya at sinaktan siya ay hindi si Dean kundi ang kakambal nitong si Kean? Parang tinusok ang kanyang puso ng maraming pako dahil sa sakit na nadarama niya ngayon. Niloloko pala siya ng magkambal. Ginawa siyang tanga. At hindi niya mapigilang mapaluha.

“Kailan pa ‘to?” galit niyang tanong.

“No’ng pumunta ng Amerika si kuya Dean!” nahihiya nitong sagot. “Hindi ko rin ito alam, nalaman ko lang ito noong pagkatapos kang ihatid ni Kuya Kean sa condo mo noong nalasing ka.”

“How could they do this to me Sam? Ano ba ang kasalanan ko sa kanila kung bakit nila ako niloko at pinagmukhang tanga? Mahal ako ni Dean ba ang sinabi mo kanina? Hindi ‘yon totoo” naiiyak niyang sabi sa kaibigan.

“Mahal na mahal ka ng kuya Dean ko Dan” sabi nito. Umiiyak na rin ito.

“No Sam, kahit kailan siguro hindi ako minahal ng kuya mo!” umiiling niyang sabi. “I’m sorry pero ‘yon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi niya ‘yon gagawin sa akin kung mahal niya ko.” Tatayo na sana siya para magwalk-out pero pinigilan siya ni Sam.

My Only You – Chapter 8

My Only You – Chapter 8

IT’S DEAN! Kasama ang mga kabarkada nila noon hanggang ngayon. And hindi lang sila kundi may mga kasama rin pala ang mga ito na mga babae na maiikli ang mga damit na wari mo’y nakahubad na. Ang hindi niya mapaniwalaan ay ang babaeng nakapulupot kay Dean at walang iba kundi si Dennise. Para itong linta kung kumapit sa boyfriend niya.

Ibang kaba ang naramdaman ni Dan nang titigan niya Dean. It’s like that ibang Dean ito dahil sa kakaiba nitong kilos.

Hindi nakaligtaan ng mga mata niya ang paghalik ni Dennise sa labi ni Dean. Hindi lang isang simpleng halik kundi a short torrid kiss. Kaya binaling nalang niya ang tingin sa iba. Sakit at galit ang naramdaman niya ngayon.

“Bes” pang-aalo ni Sam sa kanya habang hinigpitan  pa nito ang pagkakahawak sa kamay niya.

“I’m ok” she said in a calm tone to make sure that she’s not affected.

“Are you sure?” paniniguro ni Sam sa kanya at binitawan na nito ang kamay niya.

“Yeah!” aniya sabay tango.

Buti nalang ay hindi sila agad nakikita ng mga ito. Malayo sila sa entrance ng bar at medyo madilim ang lugar nila. Bigla siyang nakaramdam ng pagrerebelde kaya bigla niyang kinuha ang shot glass na may lamang tequila.

“Dan, what are you doing? Hindi ka marunong uminom niyan” saway ni Sam sa kanya habang pilit nitong kinuha ang baso sa kanya. Instead of answering her, she lick the skin between her thumb and forefinger as what she saw in some movies and sprinkle a little amount of salt. Holding a lime, she quickly licked the salt and drink the tequila and then, she bit the lime.

“Aaarggghhh! Hooh! Ang sarap.”

Hindi niya naintindihan ang lasa ng ininum niya pero na feel niyang init na dumaloy sa kanyang lalamunan patungo sa tiyan niya.

Hindi na nakapalag si Sam sa ginawa niya. Nakamasid nalang ito sa kanya at tumahimik habang may katext ito. Hindi naman makapaniwala ang mga kaibigan nila sa ginawa niya.

“Akala ko ba hindi ka marunong uminom Dan?” nangingiting tanong ni Andrea sa kanya.

“Yeah! But there’s always a first time di ba?” sabi niya at tumawa siya ng malakas. “Oops! Sorry” aniya at tinakpan niya ang bibig niya.

Nakakailang shots na siya ng tequila kaya sobrang higpit na ng mga kaibigan niya. Hindi na sila nag-order ng tequila para hindi na siya makainom. She’s drunk and she knows it because she’s very noisy at all but she really don’t care. Pero kaya pa niya ang sarili. Gusto niyang magrebelde at gusto niyang makalimot kaya gusto pa niyang uminom ng tequila.

“I want more!” sabi niya.

“No Dan! You’re drunk already!” tanggi ni Sam.

“What? No, I’m not drunk Sam” pagsisinungaling niya. “W-waiter” tawag niya agad sa waiter na may dalang tequila at lumapit naman agad ito. “Another ten shots of tequila please?”

“Stop it Dan” saway na naman ni Sam at bumaling ito sa waiter na kalalapag lang ng dalawang shot glass ng tequila. “Sorry, put it back.”

NAGVIBRATE ang kanyang cellphone at nang tingnan niya ito ay one text message ang nakalagay sa screen. Pinindot niya ang accept button at nakita niya ang pangalan ni Sam. Ayaw sana niya itong basahin pero na-curious siya dito.

WAT R U DOING HERE KUYA? tanong nito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang tinanong nito sa kanya kaya nireplyan niya ito.

WAT? WAT ARE YOU SAYNG? D2 AQ SA BAR KASAMA ANG BARKADA. aniya.

I KNW KYA IM ASKNG U! WE’R HERE @ D SAME PLACE AT NKITA KAU NI DAN, KAUNG 2 NI DENNISE NA NGLA2MPUNGAN @ NGHA2LIKAN! Hindi siya makapaniwala sa nabasa kaya inulit niya ito.

WER R U?

WER HERE @ D CORNER..PASIMPLE KONG ITAAS 2NG CP Q PRA MAKITA MO KAMI!

OK! Agad niyang nakita kung saan nakaupo sila Sam. Nakita rin niya ang pag-inom ni Dan ng tequila. Tiim-bagang niyang minamatyadan ang bawat kilos nito. Buti nalang hindi nakahalata ang mga kasama niya lalo na si Dennise. Nakailang shots na rin si Dan kaya galit niyang tinext ang kapatid.

SAM, Y SHUD U STOP HER? SHE’S DRUNK!

EH, AYAW MAGPAPIGIL! SHE WANTS MORE PA DAW!

Y DD U BROUGHT HER HERE INSTEAD? 8S UR FAULT, U KNW SHE’S NOT A DRINKER!

WHOAT?!!!!KASALANAN Q PA NGAYON? FYI, 8S UR FAULT BCOZ U WANT DS 2 HAPEN!

Damn! Napamura siya sa kanyang isipan. Kasalanan niya dahil pinaubaya niyang hagkan siya ni Dennise at nagkataong nakita ni Dan. Napalingon silang lahat ng may nagsalita at paglingon niya ay si Dan iyon. Kunot-noong nakatingin ang mga kaibigan niya sa nagsalita.

“Hey people, you want me to drink this?” paghahamon nito sa mga tao ro’n habang itinaas nito ang isang shot glass ng tequila. Hiyawan ang mga tao lalo na ang mga lalaki. “Are you sure guys? Sabi nila hindi ko na raw kaya!” dagdag pa nito. Dan is so damn beautiful kahit nalasing na ito. Maamo pa rin ang mukha nito. Ganun nalang ang pagseselos niya dahil lahat nalang yata ng mga lalaki ay nakatingin kay Dan.

“Kaya mo pa ‘yan! Inom” sigaw ng isang lalaki. At ngumiti si Dan sa narinig.

“Inom! Inom! Inom!…..” sigaw ng mga tao na parang nag-eengganyo sa dalaga na uminom. At tinuloy nito ang pag-inom sa tequila at pagkatapos ay nagthumbs-up pa ito. Pinalakpakan naman siya ng mga tao roon.

“Is that Danielle? My gosh, nakakahiya siya ha!” panunuya ni Dennise. Hindi na siya umimik dahil baka masigawan lang niya ang dalaga.

“Teka! Si Dan ba ‘yun?” ‘di makapaniwalang tanong ni Jacob. Tumango lang siya at tumayo.

Napahinto siya nang lalapitan na sana niya si Dan dahil lumakad ito patungo sa stage ng bar. Kumuha ito ng gitara at umupo sa harap ng microphone. Lahat ay tumingin kay Dan at nagpalakpakan na naman.

“Hello po uli sa inyong lahat” sabi nito. Lalong lumutang ang ganda ni Dan nang ngumiti ito pero parang nang-aakit. Damn! Nagseselos siya dahil lahat ng lalaki ay nakatitig sa mahal niya. “This song is didecated to all the girls that are being dumped by their boyfriends” ngumiti ito ng payak nang sabihin nito ‘yon.

LASING na siya pero nakuha pa rin niyang lumakad patungo sa stage para kumanta. Bilib siya sa kanyang sarili dahil hindi man lang siya nakaramdam ng hiya ng mga sandaling iyon. Nagpasalamat siya sa alak na nagpawala ng hiya niya. Ngayon lang niya naipakita ang talent niya sa paggi-guitara.

Sinimulan na niya ang pagguitara ng kantang isa sa mga paborito niya ngayon.

“All this time I was wasting,
Hoping you would come around
I’ve been givin’ out chances every time
And all you do is let me down
And it’s taken me this long baby
But I figured you out
And you think it would be fine again
But not this time around

You don’t have to call anymore
I won’t pick up the phone
This is the last straw
Don’t wanna hurt anymore
And you can tell me that you’re sorry
But I don’t believe you baby,
Like I did before
You’re not sorry.
Oh no, no, no…..”

Habang kinakanta niya ito ay nakipagtitigan siya kay Dean. Para itong galit pero hindi pa rin niya kinuha ang tingin. Gusto niyang iparamdam dito ang sakit na nadarama niya ngayon.

“Thank you!” aniya pagkatapos siyang kumanta. Lahat ay naghiyawan at parang gusto pa nilang pakantahin siya pero humindi na siya. Hindi na niya kaya, nahihilo na siya. Dumiritso na siya sa mesa nila kung saan malapit lang sa stage. Kinuha niya ang bag niya dahil gusto na niyang umuwi.

“Wow! Kumakanta ka pa sa kalagayan mong ‘yan? Parang hindi ka lasing ah!” nangingiting tanong ni Nicole.

“Excuse me, I’m not drunk!” tanggi niya sa kaibigan at bumaling siya kay Sam. “Sam, una na ‘ko ha medyo masakit na ulo ko. Teka! Where’s my key?” takang tanong niya kay Sam.

“Hay naku Dan! Lasing ka na talaga!” natatawang sagot ni Sam. “Wala kang dalang kotse ok?”

“Huh? Naku!” tinampal niya ang kanyang noo nang matandaan na wala pala siyang dalang kotse.

“Anyway, ihahatid na kita!” anito at tumayo agad at bumaling sa ibang kaibigan. “Well, mauna muna kami ha parang baliw na ‘tong friends natin.”

Tumango lang ang mga ito bilang pagsang-ayon. Inalalayan siya ni Sam sa paglakad dahil nawalan na siya ng balanse. Parang siyang baliw dahil hindi niya mapigilan ang sariling magsalita ng kung anu-ano at biglang tatawa. Nakarating sila sa kotse ni Sam at gusto na niyang pumasok agad sa kotse nito nang may pumigil sa kanya.

“Hey! Let me go” asik niya at nang makita niya kung sino ang pumigil sa kanya ay biglang nabuhay ang galit na nadarama niya kanina.

“I’ll take you home” seryosong sabi nito at iginiya siya nito palayo kay Sam.

“Teka nga! Bitawan mo nga ako, pumayag ba akong ihatid mo ako? At saka, walang kasama si Sam” galit niyang tugon rito. Naiinis siya sa lalaking ito dahil wala siyang lakas para pumalag. “Bitawan mo ‘ko kung hindi sisigaw ako” pagbabanta niya pero hindi ito tuminag.

“Go on, shout if you like!” pagpapa-ubaya naman nito at tumitig sa kanya. Pagkatapos ay bumaling ito kay Jacob.  “Jacob will take her home” tinukoy nito ang kapatid nito.

Wala siyang nagawa kundi magpumiglas para makawala sa pagkakahawak nito. Pero hindi niya inasahan ang gagawin nito. Bigla siyang binuhat na parang ang gaan-gaan lang niya at lumakad uli patungo sa kotse nito. At nang makarating sila sa kotse nito ay binuksan agad ang passenger’s seat at ibinaba siya. Pagkatapos nitong isinara ang pinto ay agad itong umupo sa driver’s seat at pinaandar ang kotse. Wala na siyang ginawa dahil ini lock na nito ang mga pinto.

Habang binaybay ang daan ay tahimik lang silang dalawa. Nabibingi siya sa katahimikan kaya binasag niya ito.

“You know what? I hate you Dean! Bakit mo pa ko hinatid? Ba’t hindi mo ihatid ang malandi mong girlfriend!” diniinan niya ang huling salita. Inis at galit talaga ang naramdaman niya pagnaalala niya ang paghahalikan ng dalawa.

Tumahimik siya at muli nanaig ang katahimikan.

Nang walang magawa ay hinarap niya ang nagmamanehong si Dean at tinitigan niya ito kahit medyo nanlalabo ang paningin dahil sa kalasingan.

‘Ang gwapo talaga niya. Damn! Ba’t hindi ko magwang kalimutan ka at magalit sa ‘yo?’ sabi niya sa sarili.

Habang tinitigan niya ito ay hindi niya maiwasang mapuna ang pagbabago nito. Hindi niya mawari pero parang may mali kay Dean. Ngayon lang niya napagtanto na parang hindi si Dean ang kasama niya. Impossible! Nag-iisa lang si Dean. Ipiniksi niya ang ulo para mawala ang kahibangan niyang iyon.

‘Am I that drunk? Kung anu-ano nalang ang napupuna ko? Stop it Dan!’ sita niya sa sarili. At binaling ang tingin sa daan.

Nakaramdam siya ng antok habang nakatingin sa daan at sumasakit na rin ang ulo niya. Kaya naman, she make herself comfortable at natulog.

NANGINGITI siyang pinagmasdan niya ang natutulog na dalaga. Para itong bata kung matulog, nakapatong ang mga paa sa iniuupuan nito. Kanina pa niya napapansin ang dalaga na tumitig sa kanya. Kinabahan siya baka mapuna siya nito.

Nakuha niyang titigan ng matagal ang dalaga nang magred light. Danielle looks innocent because of her angelic face. Parang isang babasaging crystal na dapat alagaan ng mabuti pero hindi niya inakala na ganito ito katapang. Bilib siya rito nang ipaglaban nito talaga ang pag-ibig nito sa ‘kanya’.

HOW WAS SHE? tanong sa kanya na nasa kabilang linya. Nasa condo na siya matapos niyang ihatid si Dan sa condo nito.

SHE’S OK! sagot niya.

GOOD! ito lang ang nasabi nito.

SO, ANONG PLANO MO? KAILAN MO BANG GUSTONG IPAGTAPAT SA KANYA ANG LAHAT? tanong niya.

I DON’T KNOW! anito na bakas ang lungkot sa boses nito.

MAYBE YOU SHOULD ALSO TELL MOM AND SAM. THEY DESERVE IT! aniya.

I KNOW BUT NOT NOW. OH SIGE NA, TATAWAG NALANG AKO ULI. BYE! paalam nito. Hindi na siya hinintay na makasagot pa dahil pinindot na nito ang end button.

Naiinis siya sa sarili dahil wala siya magawa para maibsan ang sakit na nadarama ngayon ng kakambal.

My Only You – Chapter 7

My Only You – Chapter 7

NOW….

“IT’S REALLY over Danielle” ulit na sabi ni Dean sa kanya. Parang bombang sumabog ang narinig niyang sabi na nagmula kay Dean. Nasa likod sila ng Engineering building ng mga oras na ‘yon na kung saan ay malayo sila sa karamihan.

“NO!” tanggi niya. “N-no..no..no” hindi makapaniwalang sambit niya habang umiiling. Hindi niya mawari ang emosyong umusbong sa kanya ng mga oras na ‘yon pero naramdaman niya ang sakit. “Nagbibiro ka lang Dean, ‘di ba?” umaasa pa rin siya. Ayaw niyang umiyak kaya pilit niyang pinanatag ang loob at kinukumbinsi ang sarili na nagbibiro lang ito.

“I’m sorry, Dan!” umiwas ito ng tingin pagkasabi no’n. Sapat na ang mga katagang iyon para bumuhos ang mga nagbabadyang mga luha. Ang sakit! Ang sakit sakit! Ano ba ang mali sa ‘tin Dean?! Gusto niyang maisatinig iyon para marinig ni Dean pero wala siyang narinig mula sa bibig niya.

Patuloy pa rin ang kanyang pagluha na parang hindi na siya makahinga.

“Damn! Don’t cry Danielle but….” sabi nito na walang kaemo-emosyon. Ni hindi man lang ito nasasaktan at ito ang nagpa-inis sa kanya.

“Ayokong marinig ‘yan. La lalalala…na na na na na na na” pinutol niya agad kung ano ang sasabihin nito habang tinatakpan ang tenga niya. “Ayokong makipaghiwalay sa ‘yo Dean!” mariin niyang sabi. “Kahit ilang ulit mo pa akong ipagtabuyan ng walang dahilan o may dahilan man ay ipaglalaban ko pa rin ang pag-ibig ko sa ‘yo. Kahit isiksik ko pa sarili ko. Mahal kita Dean at alam kong alam mo na mahal mo rin ako!”

Iyon lang at nagmamadali na siyang umalis. Ayaw na niyang pakinggan ang mga sasabihin nito. Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob para masabi niya ‘yong lahat.

Umiiyak na nagmamadali siyang pumasok sa kotse niya pero may pumigil sa kanya. At pagkalingon niya ay si Sam ang nabungaran niya. Agad siya nitong niyakap at niyakap na rin niya ito. At dito na siya nawalan ng lakas.

Nagpasalamat siya nang dumating ang kaibigan dahil naibuhos niya lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Humahagulgol pa siya na parang batang paslit.

“Sshh, tahan na bes’.” Pinapatahan siya nito.

“Ang sakit bes’! (sinok) Ang sakit sakit! (sinok uli)” nahihirapan na siyang huminga.  “Tama bang ipaglaban ko ang pag-iibigan namin bes’? Tama bang ipagsiksikan ko ang sarili ko sa taong ayaw na sa ‘kin? Ewan ko bes’, pero ano bang nagawa kong mali?” sunod-sunod niyang tanong.

“Bes’, please don’t cry. I don’t want to see you cry because it hurts me too. Walang mali sa ‘yo bes’! Hindi ko alam ang rason ni kuya pero sa tingin ko may malalim na rason iyon. I think, tama ang ginawa mo bes’!” naiiyak na rin ito.

Sam insisted to drive her home. Sam thinks that it’s not safe for her to drive in her condition right now. At magta-taxi nalang daw ito pauwi. Pagkarating nila sa condo niya ay hindi na tumuloy pa si Sam sa loob baka maabutan pa ito ng rush hour. Pagkapasok sa unit niya ay nagpasalamat siya na wala ang kanyang kuya at tiyak na magtatanong iyon. Feel niya kasing mahahalata nito ang namumugto niyang mga mata sa kaiiyak at ayaw niyang malaman nito ang rason ng pag-iyak niya, baka susugurin niya si Dean.

Before her brother comes, she went to her bedroom at ini-on niya ang Ipod niya. Ginamitan niya ng speaker at nilakasan niya ‘yon. And straight to her bathroom, wala sa sarili niyang binuksan lang ang gripo sa bathtub para punuin iyon ng tubig. Pagkatapos ay bigla siyang sumampa sa tubig kahit naka-tshirt at pantalon pa siya. At hayun, umiiyak na naman siya. Hindi niya mapigilan ang sarili.

Sa kaiiyak niya ay napagod na yata ang mga mata niya kaya inaantok na siya. Kaya nakatulugan na niya ang lamig na nadarama.

“Dean, please don’t leave me! Wake up Dean!” niyugyog niya ang binata pero hindi pa rin ito tumitinag. Kinakabahan na siya kaya napaiyak siya. “No! No Dean, please wake up!”

May tumapik sa kanya at nilingon niya iyon pero hindi niya maaninag ang mukha nito. Ibinalik niya ang tingin kay Dean pero para siyang hinihila ng taong tumapik sa kanya dahil palayo ng palayo siya kay Dean. At dahil sa inis ay sinigawan nita ito.

“Ano ba? Let me go!” asik niya. Tumayo siya at humarap dito. Gano’n nalang ang pagkabigla niya sa nakita. “Dean?” nasambit lang niya. Isang ngiti lang ang naging sagot nito at bigla itong lumayo sa kanya. “De..e..an!” sigaw niya habang umiiyak. Sa kaiiyak niya ay parang hindi siya makahinga na parang nalulunod at nilalamig siya. Nagpupumiglas siya na parang mamamatay na siya dahil hindi na siya makahinga. At pagkatapos ay naramdaman niya na may humila na naman sa kanya.

 

“WHAT the hell are you doing kuya?” galit na tanong sa kanya ni Sam nang dumiretso ito sa condo niya. Alam niyang pupuntahan siya nito matapos ang pangyayari.

“It’s none of your business Sam” tiim-bagang sagot niya. Hindi dapat nito malaman ang totoong dahilan kung bakit niya hihiwalayan si Dan dahil nakapangako siya sa isang tao. Dan! Oh Dan! Ayaw niya itong saktan pero siya naman ang nasasaktan.

“What? Now, it’s none of my business? Huh! I can’t believe this kuya” umiiling nitong sabi. Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. “Ayokong makialam pero sinasaktan mo na ang kaibigan ko kuya, ang mahal mo!” naging mahinahon na ito.

“Hindi ko na siya mahal. Nalaman ko nalang na mahal ko pa pala si Dennise” sabi niya na kunwa’y totoo. Seryoso pa rin ang mukha niya pero nararamdaman niya ang sakit.

“You’re unbelievable kuya! Mataas pa naman ang tingin ko sa ‘yo pero ano ginawa mo? Sinira mo” galit na sabi nito sa kanya. Tinatanggap niya bawat pagkasuklam sa kanya ng kapatid, dahil tama ito. Sinasaktan niya ang mahal niya.

Biglang natigil ang pagtatalo nila ni Sam ng tumunog ang Moto Q9h nito. Nakitang niyang kumunot ang noo nito ng tingnan kung sino ang tumawag at sinagot nito ang tawag.

HELLO?

YES, SPEAKING?

OH KUYA DAVE, NAPATAWAG KA? Ang kuya ni Dan. Nalaman na nito siguro. Kunwa’y nagbabasa siya ng magazine pero pinariringgan niya ang kapatid.

WHAT? WHAT HAPPENED? bigla siya napaigtad sa kinauupuan ng biglang napasigaw si Sam.

AHH, OK!

HOW IS SHE? bigla siyang kinabahan nang marinig niya ang ‘she’ dahil alam niyang si Dan ang tinutukoy nito. Ano ang nangyari kay Dan? Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may mangyaring masama sa mahal niya. Bumaling ito sa kanya at binigyan siya nito ng matalim na tingin. Gusto niyang magtanong dito kung napa’no si Dan pero hindi na niya itinuloy.

“Give me your car keys!” utos nito sa kanya. Wala siyang nagawa kaya ibinigay niya ‘yon agad.

“Where are you going?” tanong niya baka makalasap siya ng impormasyon kung anong nangyari kay Danielle.

“It’s none of your business kuya” anito na bakas pa rin ang galit sa mukha. “Don’t worry, I will return your car as soon as possible” sabi nito sabay talikod. Lumakad ito patungo sa pinto ngunit bigla itong lumingon sa kanya. “Dan doesn’t deserve this. At dahil sa ginawa mo ito, face the consequences.” Lumabas na ito at iniwan siyang nakatanga.

Hindi niya maiwasang mag-alala kay Dan. Gusto niyang puntahan ito pero hindi pwede. Wala siyang magawa, kailangan niyang kamuhian siya ni Dan. Pero hindi niya mapapatawad ang sarili kapag merong masamang nangyari sa dalaga.

“OH MY! DANIELLE” narinig niyang sambit ng isang lalaki gusto niyang ibuka ang mga mata pero parang ang bigat-bigat ng talukap ng mata niya. Naramdaman niya nalang na iniangat siya nito. Narinig din niya ang bawat pagpatak ng tubig nang iangat siya.

“Ang lamig” nasabi lang niya. Iyon lang at bumalot na ng dilim ang kanyang paningin.

Naalimpungatan siya ng marinig ang tinig ng kaibigang si Sam. Gusto niyang bumangon pero hindi niya magawa. Masakit ang buo niyang katawan at nararamdaman pa niya ang basang damit na suot niya.

“Oh my!” napasinghap ito nang makita siya at agad na tumabi sa kanya. “Ba’t basang-basa siya? Tell me what happened?” takang tanong nito.

“Pagdating ko rito ay dinig na dinig ko ang tugtog mula sa kwarto niya. Tinawag ko siya pero walang sumasagot. Dali-dali ko siyang pinuntahan sa kwarto niya at nakita ko siya sa banyo niya. Nasa bathtub ito at kung hindi pa ‘ko dumating ay” huminto ito at huminga ng malalim. “God! Baka nalunod na ‘yang kapatid ko.”

“Thank you for coming Sam! ‘Kaw na ang magbihis kay Dan. Lalabas na muna ako at ihahanda ko muna ang pagkain at gamot niya” sabi ng kapatid niya. “Just call me if your done” dagdag pa nito bago lumabas.

“Sam, ang ginaw” mahina niyang sabi. Giniginaw na talaga siya, ramdam niya ang pangangalog ng buong niyang katawan.

“Gaga ka ba bes’? Nagpapakamatay ka ba?” Pinagalitan siya nito habang isa-isa nitong tinatanggal ang mga basang damit niya. “Naku! Ang init mo bes’!”

“Ano ba ang nangyari bes’?’ tanong niya nang hindi pa niya natatandaan ang nangyari sa kanya kanina.

“Muntik ka lang naman manulod bes’” sarkastiko nitong sagot sa kanya pero hindi ito galit.

Tapos na nitong bihisan siya at tinawag na nito ang kuya niya. Dumating naman ito na may dalang soup at gamot. Hinang-hina talaga siya ng mga sandaling ‘yon dahil masakit ang ulo niya, katawan niya at pati puso niya. Nahihirapan din siyang magsalita dahil namamalat ata ang lalamunan niya.

“Thank you so much Sam!” sabi niya ng sila nalang dalawa.

“Sus, it’s nothing Dan! I’m your friend and parang sis na ang turing ko sa ‘yo” anito na may ngiti sa labi. “And don’t do that ever again bes’. You made us nervous” dagdag nito.

“Hindi naman talaga ako nagpapakamatay bes’. Nakatulugan ko lang talaga ang pagbabad ko sa tubig kanina” paliwanag niya. “I’m sorry kung nag-alala kayo. Don’t worry, it will not happen again” nakangiti niyang sabi.

“O sige na, magpahinga ka na at uuwi na ‘ko. Binilin ko na rin sa kuya mo kung anong oras ka niya papainumin ng gamot.” Pagkasabi nito ay hinalikan siya nito sa noo at tumayo na ito.

“Ingat sa pagmamaneho” paalam niya.

“Ok.”

Nang makalabas na ito ay nalungkot na naman siya. Pero dahil nga masama ang kanyang pakiramdam ay nakatulog agad siya.

ILANG araw nang nakalipas mula nang sabihan siya ni Dean na maghiwalay na sila at dahil do’n ay muntik na siyang malunod sa bathtub niya ay hindi pa rin siya pinupuntuhan ni Dean. Ni hindi nga nangumusta ito sa kalagayan niya. Kapag tinatawagan naman niya ay hindi naman sumasagot at ‘pag nagtext siya ay hindi nagrereply. Hindi naman siya ganito noon, hindi niya pinagsiksikan ang sarili sa taong ayaw naman sa kanya pero hindi kay Dean. Gano’n ba niya kamahal ang binata para gawin niya sa sarili ito? Nalungkot siya sa realisasyong iyon pero ‘yon ang gusto niya.

Ngayon nga ay sumama siya kay Sam na magnight out para magcelebrate ng pagkakapasa nila sa proposal ng project nila. Kasama nila ang kagrupo nila sa thesis at iba pang mga babaeng naging kaibigan nila. Sam insisted to go with her para daw mawala ang lungkot niya kahit ngayon lang.

Iba-iba ang kanilang in-order na drinks meron ladies drinks, hard, and beers. Hindi siya mahilig uminom kaya iced tea nalang ang kanyang in-order.

“Oh come on Dan, ‘wag kang kj” sabi ng isang kaibigan niyang si Nicole. Matagal na rin niya itong kaibigan. “Let’s celebrate for the approval of our proposal!” anito.

“Nah! ‘Wag niyo na ‘yang pilitin, hindi ‘yan umiinom. Just be happy na sumama siya ngayon” salo ni Sam sa kanya. Buti nalang hindi na nag-insist si Nicole dahil ayaw niya talagang uminom.

Pinasaya niya ang kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Unfair naman sa kanila kung siya ay magmumukmok lang sa isang tabi. Binalik niya rin ng kanyang sigla at kulit na ipinagkait niya noong nagdaang mga araw. At nakisali siya sa mga biruan ng mga ito.

“Oh ow!” untag sa kanila ni Nicole na nakatingin sa may entrance ng bar. Natigil ang kanilang tawanan. “Look who’s here?” dagdag nito. Para itong nakakita ng multo.

Lahat sila ay napalingon sa tinutukoy nito. Ang iba ay napasinghap sa nakita. At siya naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita. Hinawakan agad ni Sam ang kamay niya nang makita nito na parang iiyak siya. Pero pinigil niya ang sarili.

Enough is enough.

My Only You – Chapter 6

My Only You – Chapter 6

Years ago….

“Bro! Ano ‘tong nabalitaan ko na bumalik na sa dati ang walang kabuhay-buhay mong buhay ha?” tudyo sa kanya ng kapatid sa kabilang linya. “Who’s the girl?” dagdag na tanong nito. Alam niyang natatawa na si Kean sa kanya.

Kean is the only brother he had. Hindi lang simpleng kapatid kundi kakambal pa niya ito. They are identical twins even their parents can’t identify which is which. Kaya naman palagi silang nagkakasundo kapag kapilyahan na ang pag-uusapan.

“Stop the crap Kean! What’s up at napatawag ka?” pag-iiba niya, alam niyang hindi siya tatan-tanan nito. Tumawa ito ng husto bago nagpatuloy.

“It’s nice to know na ok ka na Dean after living like hell when your ex-girlfriend dumped you!” Hindi nito sinagot ang tanong niya. Marami yatang alam ‘tong mokong na ‘to, pero hindi na siya nagtaka dahil nand’yan si Sam. Napabuntong-hininga na lang siya bago nagsalita.

“Ano pang sinabi sa’yo ng magaling nating bunso?” wala na siyang magawa kundi pag-usapan ang buhay niya.

“Well she said na natutorpe ka sa isang babae. And this woman made you whole again” tugon nito.

“Yeah right!”

“And this woman is mad at you because of your ex. What’s wrong with you bro?” anito na nakikinita niyang nakakunot-noo ito.

“Damn! I’m just protecting her from Dennise” napataas ang tono ng boses niya.

“Ok ok! I think this woman is interesting” sabi nito na nagpatahimik sa kanya.

“Well, I just called to inform you all na bibisita ako d’yan sa Pinas. And I’m going to stay in your condo” untag nito. “I have to go bro! Bye.”

THERE’S no place like home’ bulong niya sa sarili ng makalapag na ang eroplanong sinakyan niya. Limang taon din siyang hindi nakauwi sa Pilipinas kaya kahit tatlong araw lang ang bakasyon niya ay umuwi talaga siya sa Pinas.

“Kean!” isang pamilyar na tinig ang tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya ang kakambal at lumapit siya dito.Tinapik nito ang balikat niya bilang pagbati.

“Kumusta byahe, ‘tol?” tanong nito.

“Whew! Kakapagod nga pero ok lang basta nakauwi ako” nakangiti niyang tugon.

“Mabuti pa punta na tayo sa condo ko. Naghihintay na sila Mommy at Sam do’n” anito.

“May pagbabago rin pala dito sa Pinas pero hindi pa rin nagbabago ang sobrang traffic dito” naibulalas lang niya nang mapansin ang usad-pagong na takbo ng mga sasakyan.

“Sanayan lang ‘yan” natatawang sabi ni Dean.

Makalipas ang isang oras ay sa wakas nakarating na rin sila sa condo unit ng kapatid. Gaya ng inaasahan ay masayang sinalubong siya ng kanyang mama at bunsong kapatid.

“Kuya Kean!” bungad sa kanya na akmang yayakapin siya pero nag-alinlangan ito. “Oh wait, sino si kuya Kean sa inyong dalawa?” nalilito nitong tanong

“Guess who?” natatawang tanong ni Dean na halatang niloloko ang kapatid.

“Andaya talaga!” napasimangot si Sam pero biglang ngumiti. “Ah wait, kaw si kuya Dean dahil natatandaan ko yang tshirt mo, am I right?” Tumawa ito habang nagtatalon na parang bata at niyakap siya.

Maya-maya lang ay dumating ang daddy nila kaya masaya nilang pinagsaluhan ang inihandang pagkain ng mommy nila. Masaya siya dahil ngayon lang uli sila nakumpleto simula noong pumunta siya sa States para mag-aral.

TAMANG-tama ang pag-uwi mo Kean at matutulungan mo ako sa negosyo na ‘tin” untag niya sa kakambal nang nasa balkonahe sila habang umiinom ng beer.

“Whoa!” anito. “Negosyo na naman? ‘Kaw nalang muna ang bahala d’yan Dean at saka nand’an naman si Cathy. Ayoko munang mag-isip tungkol sa negosyo. Alam mo namang umuwi ako rito para makapagrelax” tanggi nito.

“Nah, Cathy is not in town. Nagbakasyaon ata kasama ang barkada” aniya. “Ok, pagbibigyan kita ngayon” suko niya. Napabuntong-hininga nalang siya dahil wala siyang magawa kundi ang lumiban sa mga klase niya. May konting problema lang sa negosyo na dapat niyang resolbahin.

“AY! Ano ba?” gulat na sambit ng isang babae.

“Hey, watch out!” Nagulat din siya kaya medyo napalakas ang timbre ng boses niya. Pero alam niyang siya ang may kasalanan. Nagmamadali siyang lumakad habang palingon-lingon dahil hinahabol siya ni Dennise.

Napatitig siya sa dalaga nang humarap ito sa kanya. Hindi lang pala basta babae ang nakabangga niya kundi isang magandang babae. Para itong isang anghel sa angking ganda nito kahit simple lang ito. Ang mga mata nito na may malalantik na pilik-mata, ang matangos nitong ilong at ang mapupulang labi nito ay saktong-sakto sa hugis ng mukha nito.

“Kuya Dean?” anito ng makita siya. Dean? Kunot-noo niya itong tinitigan dahil napagkamalan siya nitong si Dean. Pero napangiti nalang siya.

“Oh! I’m sorry miss. Nagmamadali kasi ako.” aniya at dali-dali na siyang umalis.

Napag-alaman niya na ang magandang dalaga na nakabangga niya at ang babaeng nagugustuhan ni Dean ay iisa. Ipinakita kasi ni Sam ang litrato ng kaibigan nitong si Danielle. Ikinuwento ni Sam kung bakit naging magkaibigan ang mga ito at kung bakit nakilala ito ni Dean.

“Bukas na ba talaga ang flight mo kuya Kean?” untag sa kanya ni Sam.

“I have no choice” natatawang sagot niya. “Why?” tanong niya.

“Debut kasi ni Dan bukas. Sayang naman hindi ka namin mapapakilala” paliwanag nito.

“Talaga?” nasabi lang niya. “Can I have her cellphone number?” Huli na para bawiin ang tanong niya.

“Huh?” tila nagulat si Sam.

“I just want to greet her” depensa niya

“Ahh ok. ‘Eto oh” anito sabay lahad ng cp nito sa kanya.

Hindi siya makatulog ng gabing iyon dahil sa kaiisip sa kay Dan. Ewan ba niya pero may impak sa kanya ang dalaga. Stop it Kean! sita niya sa sarili. Ipinilig niya ang ulo para matigil ang kabaliwan niya. Hindi niya dapat maramdaman ‘yon.

ALAS sais ng hapon ay nasa airport na siya. Ang mommy lang niya ang naghatid sa airport dahil alam niyang busy sila Dean at Sam sa pag-aasikaso ng surprise birthday party para kay Dan. Dan! sambit niya sa isipan. Agad niyang kinuha ang cellphone at nagtext.

HAPPY BIRTHDAY DANIELLE. Nagdalawang-isip pa siya kung isi-send niya ito. Pero kusang gumalaw ang daliri niya kaya naisend ito.

Message Sent ang nakalagay sa screen. Maya-maya lang ay tumunog ang kanyang Iphone at pagkakita kung sino ang nagtext ay agad niyang binasa iyon.

THNX…MAY I KNW U? 🙂 napangiti siya sa reply nito. Do I have to tell my name at magpakilala bilang kapatid nila Sam at Dean?

Kaya ito nalang ang nereply niya. 8S NOT MPORTNT, JST ENJOY UR DAY…:)

WHAT? I DNT KNW U & U KNW ME, DO U THINK 8S FAIR?.. reply nito. Hindi na siya nakareply uli dahil in-announce na ang flight niya. Kailangan na niyang pumasok sa eroplano.

LINGID sa kaalaman ni Dan ang pagkakaroon ng kakambal ni Dean na si Kean. Ang alam lang niya ay may kapatid ito sa Amerika. Hindi pala niya alam ay nakaharap na niya ito.

Ano ang magiging papel ni Kean sa buhay ni Danielle? At ano naman ang magiging papel ni Kean sa pag-iibigan nila Dean at Danielle? Possible bang magkagustuhan din sila Kean at Dan pero paano?…….

Abangan sa mga susunod na kabanata ng kwentong pag-ibig ng MY ONLY YOU.

My Only You – Chapter 5

My Only You – Chapter 5

I’m here Sam!” tawag niya sa kaibigan para matunton siya nito. Nasa canteen siya at kumakain ng mga sandaling iyon.

”Hi Dan” bati nito nang makalapit na ito sa kanya. “Ang aga mo ata ngayon ah, 9am palang” sabi nito sabay tanaw sa relo nito. “Hindi ba mam’yang hapon pa ang klase mo?” Umupo ito sa tabi niya.

“Yep! Nangako kasi ako sa kuya mo na manonood ng praktis nila.”

“Wow, iba na talaga ang in love ah, ang agang pumapasok” iiling-iling nitong sabi sabay tawa. Natawa na rin siya sa tinuring nito.

“Ikaw talaga” tinapik niya ito sa balikat.

“Buti ka pa bes’. Kailan kaya ako gigising ng maaga para mapanood ang praktis ng mahal ko?” lalo silang nagkatawanan sa sinabing iyon ni Sam.

Ilang sandali ay nakita niya si Dennise sa may pintuan ng canteen. Parang gandang ganda ito sa sarili dahil taas noo pa itong pumasok at pangiti-ngiti pa ito. Nakita niyang tumingin ito sa kanya ng matalim kaya dali-dali niyang inalis ang tingin dito.

“Well well well, look who’s here? Ang inosenting haliparot” si Dennise iyon kasama ang mga alipin nito este mga kaibigan nito. Nakalapit na pala ito sa kanila.

‘Relax Dan, h’wag mong pansinin ang bruhang ‘yan’ sabi niya sa sarili bago mapabuntong-hininga. Nagulat din si Sam.

“Sam?” tanong niya sabay kindat at ngumiti.

“Hmmm?” sagot naman nito.

“May narinig ka bang nagsasalita?” diniinan niya ang huling salita. Ngingiti-ngiti naman si Sam na nakahalata sa pang-iinis niya kaya sinabayan siya nito.

“Wala nga eh. Tayo lang naman ang nag-uusap ‘di ba?”

“Naku! Minumulto na yata ako! Takot ako!” pang-iinis niya. Ginaya pa niya ang huling sinabi sa isang movie.

“Crazy!” inis na sabi ni Dennise bago ito tumalikod sa kanila, syempre kasama ang mga kampon nito.

Natawa sila dahil nagwalk out din si Dennise na inis na inis sa kanila. Tiningnan nila ito habang papalayo. Natatawa sila kasi muntik na itong matumba dahil sa nakaharang na paa ng  isang estudyante at dahil dito ang pobreng estudyante ang pinagdiskitahan ng inis nito ni Dennise.

“Hay naku ‘tong si Dennise, hindi na siguro ito magbabago” umiiling niyang sabi.

“Oo nga eh. Buti na lang ay hindi ito nakatuluyan ni kuya. Noon pa ma’y hindi ko na siya gusto para kay kuya dahil maarte at maluho pa” pag-aamin nito.

“Maiba nga tayo. Tulungan mo naman akong maghanap na ipanreregalo sa kuya mo oh” wika niya.

“Huh? Ang layo pa nang birthday niya ah!” kunot-noo nitong tanong.

“I know pero para sa graduation niya.”

“Aaah. Hindi ‘yon mahilig sa regalo eh.” Nakita siya nito na napasimangot kaya naman bumawi ito. “Alam ko na, ba’t hindi mo siya ipagluto ng masarap na pagkain? Mas gusto niya ‘yon.”

“Really?” masigla niyang tanong. Buti nalang ay may alam din siya sa kusina. Tinuruan kasi siya ng kuya Dave niyang magluto.

Tumango lamang si Sam bilang tugon.

“Ehem, ehem” bungad sa kanila ni Dean kasama ang barkada. “Ako ba ang pinag-uusapan niyo ladies?” nakangiti nitong usisa.

“Whoa! Kapal mo kuya hap” biro ni Sam.

Nang makaupo si Dean sa tabi niya ay pinunasan niya ang pawis nito.

“Teka teka, I smell something fishy.” kunot-noong usisa ni Sherwin. Tumawa lang sila dahil ito lang yata ang hindi pa nakakaalam sa sitwasyon nila.

“Kayo na…” hindi na nito natapos ang sasabihin ng tumango na silang dalawa ni Dean.”Ouch naman, it hurts. Wala na talaga ‘kong pag-asa sayo Dan?” umiiling nitong sabi.

“Umasa ka pa! Noon pa man ay wala ka na talagang pag-asa” pang-aasar ni Sam.

“Ba’t ba ang sungit mo sa ‘kin Sam?” baling nito kay Sam. “Nagseselos ka ata? Hindi ba the more you hate is the more you love?” ganti nito.

“What the…. Harhar, kapal talaga!” Tumawa sila ng malakas dahil sa iringan na naman nina Sam at Sherwin. Sa gilid naman ay tahimik lang na nagmamasid si Jacob at alam niya kung bakit.

“Sam!” untag sa kanila ni Jacob habang inilahad nito ang isang kaperasong papel.

“What’s this?” si Sam.

“Ticket for our game this coming Saturday! I hope you will watch” sagot naman nito.

“Of course, susuportuhan ko kuya ko noh! But, thanks for the ticket” ngumingiti ni Sam na sabi. “Atleast, hindi na ko pipila para sa ticket na ‘to. Alam kong ‘di na para sa ‘kin ang ticket ni kuya” biro nito sabay tingin sa kanya.

“Inunahan mo na naman ako Sam” si Dean. Nahalata siguro nito na nagulat siya dahil wala namang binigay sa kanya si Dean.

“It’s ok kuya, alam ko namang kay Dan mo ‘yan ibibigay” sabi nito at kinindatan pa siya. Loka talaga ‘tong si Sam.

DINNER at seven?” tanong niya kay Dan nang inihatid niya ito sa parking lot ng school. Hanggang parking lot lang niya ito naihahatid dahil may dala naman itong kotse at may klase pa siya.

“Hmmm, sure” she said while smiling. “Where?”

“Basta. I’ll pick you up after my last class.” Masaya niyang sagot.

“O-ok.”

Bago ito pumasok sa kotse ay hinawakan muna niya ang mga kamay nito. Humarap ito sa kanya at hindi niya maiwasang titigan ang namumula nitong magandang mukha. Her eyes, nose and lips are so perfect and beautiful to look at. Hindi niya maiwasang mapadako sa mga labi nito at hindi niya napigilang lumunok. Ang sarap halikan ang mapupulang lips nito. Pero pinigil niya ang sarili kaya sa halip na sa labi niya ito halikan ay sa noo nalang nito. Ayaw niyang maging agresibo baka mabigla ito. Kailangan dahan-dahanin.

“Take care, honey” sabi nalang niya nang napansin niyang nahiya ito.

“Thank you! Ikaw din.  See yah then.”

Iyon lang at pumasok na ito sa kotse nito.

Binaybay na niya ang daan patungo sa condo niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang kaba sa dibdib. Kinakabahan pero kinikilig siya. Ganito pala ang pakiramdam.

First date nila iyon ni Dean kaya naman paghandaan niya ito ng husto.

SAAN ba tayo pupunta Dean?” nagtataka niyang tanong.

“Don’t worry honey, just trust me” sabi nito.

“Ok. But you knew that I don’t like surprises” naiinip na siya.

Matapos ang ilang minuto ay huminto sila sa tapat ng bagong restaurant. Katabi nito ay dagat.

“We’re here” bulong sa kanya ni Dean sa punong tainga niya kaya naman nakiliti siya. Inalalayan siya nito sa pagbaba at iginiya siya sa paglakad.

“Ang ganda naman dito” naibulalas niya.

“A beautiful place for a beautiful lady” sagot naman nito at kinilig siya ng husto. Pumasok sila at sinalubong ng isang waiter.

“Good evening ma’am, sir” bati ng nakangiting waiter.

“Good evening” bati rin niya.

“Mr. Perez?” tanong nito. At tumango si Dean. “This way sir.”

Inihatid sila ng waiter sa isang VIP table kung saan wala masyadong tao. Habang naglalakad sila ay alam niyang maraming nakatingin sa kanila especially ang mga girls. Syempre, gwapo at kilalang basketball player yata ang kadate niya. Isa sa mga naging cover page kasi si Dean sa isang kilalang Sports Magazine. One of the beautiful faces of basketball player dito sa Pilipinas ika nga.

Naging masaya ang kanyang gabi. Masarap ang pagkain doon at masarap din kasing kakwentuhan si Dean at idagdag pa ang magandang tanawin. Hindi lang ang tiyan niya ang nabusog kundi ang puso niya sa sobrang kaligayahang nadarama. Hindi niya talaga malilimutan ang gabing ito.

At nang inihatid na siya sa sa condo niya ay:

“Thank you Danielle” sabi nito.

“Thank you rin Dean. Nabusog talaga ako at nag-enjoy” nakangiti niyang sabi. Pagkatapos ay bumaba ito para pagbuksan siya ng pinto. “Ingat sa pagmamaneho ha” pahabol niya.

“Yeah, thanks.” At nang tatalikod na siya ay naagapan nito ang braso niya at nagulat siya sa mga sumunsunod na pangyayari.

HINDI na niya napigilan ang sarili at hinalikan niya ang mapupulang lips ni Dan. At first ay parang pumapalag si Dan dahil na rin siguro na hindi ito marunong humalik pero kalaunan ay hindi na. It was not a torrid kiss at mabilis lang but he can feel the love. Hindi pa niya iyon naramdaman sa tanang buhay niya.

MASAYA siya sa relasyon nila ni Dean. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya at mahal din niya ito. May konting away pero nareresolba agad. Gaya no’ng nakita niyang naghalikan sina Dennise at Dean pagkatapos ng championship game nito.

Isang minuto nalang ay  lamang pa rin ang score nila Dean kaya minabuti na niya na pumunta sa canteen para bumili ng tubig para kay Dean. Sumama naman si Sam sa kanya. Nang nasa canteen na sila ay narinig nila ang hiyawan na nagmula sa gym.

“Tara na Sam, tapos na yata ang laro” yaya niya sa kaibigan.

“Oo nga at nagkakasiyahan na sila.”

Lalong lumakas ang hiyawan kaya nagmadali silang pumanhik sa upuan nila. Nagulat sila sa nakita lalong-lalo na siya. Napatulala at nanghihina siya sa nakita. Parang tinutusok ng karayom ang puso niya sa sakit na nadarama. At biglang tumulo ang tubig na nagmula sa kanyang mga mata. Kaya minabuti na niyang umalis sa gym.

“Danielle, wait! I need to explain!” Hindi niya namalayan na hinabol siya ni Dean at nakalapit na ito sa kanya. Hinawakan siya nito sa kanyang kanang braso at pilit siya nitong ipaharap.

“Ano ba!? Bitawan mo nga ako?” nasasaktan niyang sabi kay Dean. Ayaw niyang humarap dito dahil ayaw niyang makita siya na umiiyak.

“No!” mariing tanggi nito. “Hindi ka aalis hangga’t hindi mo naririnig ang paliwanag ko.”

“I don’t need your explanation Dean. Tama na ‘yong nakita ko” naiiyak niyang tugon dito.

“Damn! Please be open minded Dan. It’s just a kiss at hindi….” Nagpantig ang kanyang tenga sa narinig kaya pinutol na niya ang sasabihin pa nito.

“Just a kiss, huh?!” sarkastiko niyang sagot. “Just a kiss between you and your ex? What do you expect from me Dean, ngumiti lang habang ang boyfriend ko ay nakipaghalikan sa ex nito sa harap pa ng maraming tao?” sumbat niya rito. Danielle tries to look at Dean but can’t instead she looks down teary eyed.

“For Pete’s sake Dan, please don’t cry and please let me explain?” pagsusumamo nito.

“For what? Para magmukha na naman akong tanga?”

Ito na ang huli niyang sinabi bago siya tumakbo palayo. Nasaktan talaga siya sa nakita niya kaya hindi na niya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Dean. Ilang araw din niyang hindi kinausap ang boyfriend dahil hindi pa rin mawaglit sa isipan ang insidente.

Buti nalang ay ikinuwento ni Sam ang pagtulak ni Dean kay Dennise nang halikan nito ang boyfriend niya at hinabol siya nito. At tumulong din sa pagpapaliwanag ang mga kaibigan nito sa kanya. At naging maayos na sila uli.

Iyon lang siguro ang naging tampuhan nila bilang magnobyo.

GRADUATION DAY!

Tulad nang inaasahan ay gumraduate si Dean na cum laude. Proud siya sa katipan dahil kahit busy ito sa business at basketball ay hands-on pa rin ito sa pag-aaral. Pero nang maisip niyang hindi na niya ito makikita araw-araw ay nalungkot siya. Nasanay na kasi siya na palagi silang nagkikita dalawa. Ayaw niyang maging selfish kaya minabuti niyang ‘wag nalang isipin.

ILANG taon na rin ang nakalipas pagkatapos ng graduation day niya ay going strong pa rin ang relasyon nila ni Dan. Kahit sobrang busy niya sa trabaho bilang bagong VP sa isang kilalang firm ay hindi pa rin siya nawawalan ng time kay Dan. He make it up to her by going out-of-town with her and with his sister Sam.

He really loves Dan so much that he doesn’t want to lose her and hindi niya kayang iwan ito. Nakapagbakasyon na rin silang dalawa kapag sembreak ni Dan. Napuntahan na nila ang lahat ng magagandang spot sa Luzon area at sa Visayas. At ang huli nilang napuntahan ay ang rest house nila sa Subic.

My Only You – Chapter 4

My Only You – Chapter 4

ISANG LINGGO…ISANG BUWAN… at malapit nang magtatapos ang second semester na hindi na niya kinakausap si Dean kahit pa kinukulit siya ni Sam na kausapin ang kapatid nito. Paminsan-minsan lang din niya nakikita ang binata at nasa malayo lang siya. Ni hindi na nga ito tumitingin sa kanya na parang hindi sila magkakilala. Siguro ay nagsasawa na rin ito. Bakit? Sino ba siya sa buhay ng binata? Ni hindi nga sila close nito. Napaka suplado pa nito. Hahay!

“Ay! Ano ba?” gulat niyang sabi. Bigalang naputol ang kanyang kaiisip ng may nakabunggo sa kanya.

“Hey, watch out!” isang pamilyar na boses ang nagsalita. Bigla siyang kinabahan sa narinig na boses.

“Kuya Dean?” nasambit lang niya nang makita niya ang mukha nito. Kumunot ang noo nito nang bangggitin niyang pangalan nito and then he smiled.

“Oh! I’m sorry miss. Nagmamadali kasi ako.” Iyon lang at umalis na ito at iniwan siyang nakatanga. Miss? Hindi ba nito siya kilala? Ay ewan!

NAGING mailap sa kanya si Dan matapos ang pangyayari. Hindi sa ipinagtanggol niya si Dennise kundi pinoprotektahan lang niya si Dan. Buti nalang ay hindi na natatandaan ni Dennise ang nangyari kasi alam niya kung pa’no magalit si Dennise.

Naging busy na rin siya sa negosyo ng lolo kaya minsan nalang niya nakikita si Dan. Mabuti nalang ay dumating ang kapatid niya mula sa US kaya hindi siya nahihirapan sa trabaho niya. Parati na siyang absent sa klase pero umaatend pa rin siya pag-exams na.

DAN, malapit na debut mo. What’s your plan?” masayang tanong ni Sam isang hapon nang nasa canteen sila.

“Yeah, Iv’e no plan yet” ang walang kabuhay-buhay naman niyang sagot habang binabasa niya ang mensahe sa cellphone niya.

“What!? No plans yet?” gulat na tanong ni Sam. “O come on Dan, ones in a  lang that you will turn 18″ dagdag pa nito. “Don’t be KJ.”

“So?”

“So? So lang?” ginaya pa siya nito.

“Ahuh, simple lang gusto ko. Ililibre ko nalang kayo” sabi niya. “My parents won’t be here on my birthday because they’re so busy in our business.” Totoo ang sinabi niya pero wala siyang hinanakit sa mga magulang niya.

“That’s it? Ok kaw bahala” sabi nalang nito. Salamat ay hindi na ito nangungulit pa.

“Yep. Ok let’s go then? Baka malate pa tayo” sabi niya, bumuntung-hininga muna ito bago tumayo.

Lingid sa kaalaman ni Dan ay nagpaplano na si Sam sa darating na birthday niya. Kinontsaba nito ang kuya niya at kinontak nito lahat pati mga barkada niya noong high school pa siya. Dalawang linggo nalang ang prepations bago ang birthday niya.

NAGING busy si Sam kaya naman hindi na siya sinasamahan nito. Nag-aalala siya na baka nagtatampo ito sa kanya. Kaya naman ay tinext niya ito.

BES’, 2MOROW HA? MAGDI-DINNER TYO BKAS.. JST TXT D ODERS..D SAME RESTO…;-)

Message sent!

OK BES’, BUT I KNW A PLACE WER WE CN CELEBR8 UR BDAY…SU2NDUIN NLNG KTA 2MOROW AT 7PM OK?. OH BTW,  I BOUGHT A DRESS 4 U 2 WEAR, NO BUTS OK? & MGPGANDA KA…:-) SEE YAH! reply naman ni Sam.

OK, SEE YAH THEN!

Hindi na niya tinanong kung bakit kelangan pa niyang magdress.

‘Naku ‘tong si Sam, alam naman niyang wala akong hilig sa mga dress dress na ‘yan’ naiiling nalang niyang bulong sa sarili.

Pero maya-maya lang ay may nagdoorbell. Gaya ng inaasahan ay ang damit na ipinadala ni Sam ang dumating. Nang buksan niya ito para sukatin ay nabigla siya sa nakita. Hindi lang dress kundi gown pa talaga. Simple lang ‘yon pero elegante.

Nagkataong kaarawan at valentines na niya bukas. Wala na siyang mahihiling pa. Maganda siya, matalino, masaya ang pamilya niya at marami siyang kaibigan. Pero wala nga siyang boyfriend.

‘Hay naku Dan ha! Sanay ka namang walang boyfriend!’ sita niya sa sarili.

KAARAWAN na niya. Ginising siya nang tawag mula sa mga magulang siya. Tumawag din ang mga kapatid niya upang bumati. Napaiyak siya dahil miss na miss na talaga niya ang mga ito. Mahigit two years na hindi sila nagkikita.

Nasorpresa din siya nang makalabas sa kwarto upang mabreakfast dahil mula sa pinto ng kwarto niya ay may mga red petals ng roses. Sinundan niya ito hanggang makaating siya sa may dining table. Bumungad sa kanya ang kanyang kuya.

“Happy birthday little sis. I hope you like my treat to you”  nakangiti nitong bati. “Here” dagdag nito sabay bigay sa kanya ang regalo nito.

“Wow kuya ha, touch naman ako sa ginawa mo. Ano naman ‘to?” excited naman niyang tanong. Binuksan niya ito agad. “Kuya ang ganda naman nito” lumaki ang mga mata niya pagkakita sa kwentas na regalo ng kuya niya.

“Of course Danielle. Regalo namin niyan sa’yo. You’re so special my dear sister” sabi nito sabay halik sa noo. Kinuha nito sa kanya at isinuot sa leeg niya.

“Thank you so much kuya” sabi niya sabay yakap nito.

Masaya ang naging kainan nila ng kuya niya. Kaya hindi na niya namalayan na naubos niya ang inihanda ng kuya niya.

KUYA, ready na ba ang lahat?” tanong ni Sam sa kanya nang tumawag ito. “Susunduin ko na si Dan.”

“All set my dear sister” sabi naman niya. “Thank you for doing this Sam. Pagkakataon ko na ito para magkabati kami” dagdag pa niya.

“Sus kuya, it’s nothing. Parang kapatid ko na rin si Dan noh!” sagot naman nito. “I loved her since the day na pinakiusapan mo ako sa kanya dahil ibinalik niya ang sigla ng kapatid ko. Oh sige na kuya parang ang OA ko na tuloy” dagdag pa nito.

“Oo nga, nahahawa na rin ako sa ‘yo. See you later sis. Bye!” paalam niya

“Bye.”

End call.

Totoo ang sinabi ni Sam, nang makita niya si Danielle ay nagbalik na ang kanyang sigla. She is beautiful inside and out. He really misses her kahit na malayo lang niya ito tinatanaw.

ALAS SAIS nang hapon ang usapan nila ni Sam pero one hour before the time ay bihis na bihis na siya. Isinuot niya ang gown na regalo ni Sam sa kanya. Para namang prinsesa siya sa suot niyang iyon. Tinirnohan din niya ito ng kwintas na regalo ng mga kuya niya. Ang buhok niya na ang dulo ay curly ay inilugay lang niya. May headband din ito na maraming bato na diamond.

Habang naghihintay siya kay Sam ay biglang tumunog ang cellphone niya. Pagbukas niya ay tumambad ang isang numero na hindi nakaregister sa phonebook niya.

HAPPY BIRTHDAY DANIELLE ang nakalagay sa screen niya. Nireplyan niya ito kahit hindi niya kilala.

THNX…MAY I KNW U? 🙂

8S NOT MPORTNT, JST ENJOY UR DAY…:)

WHAT? I DNT KNW U & U KNW ME, DO U THINK 8S FAIR?.. reply niya.

Pero hindi na nagrereply ang unknown texter niya. Nainis siya dahil hindi man lang nagpakilala. Bahala nga siya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng load para kulitin pa ito. Mabuti nalang ay dumating na si Sam.

“Happy birthday Dan” masaya nitong bati habang binibeso-beso siya. “Mabuti naman ay kasya ‘tong gown na regalo ko sa ‘yo”

“Thank you. Oo nga. Sa’n ba tayo pupunta at parang magbi-birthday party pa ‘ko sa suot kong ‘to?” nalilito niyang tanong.

“18th birthday mo nga di ba?” tugon naman nito.

“I know but magdi-dinner lang tayo di ba?”

“Yeah! Mamaya ka nang magtanong baka malate pa tayo” wika nito na parang umiiwas sa mga tanong.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na rin sila sa paroroonan. Isa itong high class restaurant. Nagtataka siya dahil madilim ang loob nito.

“Sam, dito na ba tayo? Ba’t ang dilim?” sunod-sunod niyang tanong.

“Ahuh! Sige na, bumaba ka na tapos pumasok ka na. Ipapark ko lang tong kotse” sagot naman nito. Nalilito man ay bumaba na rin siya. Para siyang kinakabahan na hindi niya mawari. Pagpasok na pagpasok niya sa pinto ay biglang itinugtog ang instrumental na isa sa mga paborito niyang kanta ang ‘Please be careful with my heart by Jose Mari Chan’. Bigla siyang kinabahan nang may biglang lumapit sa kanya. Hindi niya ito naaninag dahil madilim pero alam niya na lalaki ito. Iginiya siya nito papunta sa loob at huminto sila nang biglang may nagsalita.

“One of the 18th roses is Mr. Dave John Rodriguez” sabi ng emcee. Bigla silang inilawang dalawa. At doon na niya nakilala ang kapatid.

“Red rose for my beautiful sister” nakangiti nitong sabi. Natulala pa siya pero masaya siya. Iniabot niya ang rose at sumayaw na sila.

“Kuya? Bakit hindi ko ito alam? Di ba may appointment ka pa?” tanong niya.

“Surprise nga di ba? We know that you don’t like parties but Sam insists. Ito ‘yong appointment ko” paliwanag nito habang ngumingiti.

“Naku itong si Sam talaga. Pinagkaisahan niyo ko ha” natatawa niyang sabi. “Thanks kuya.”

“Sus, wala iyon. Ikaw lang nga ang babae sa ‘ting magkakapatid, susulitin na ‘to” sabi nito. Hindi niya namalayan ang isa pang paparating na lalaki.

“May I?” isang matandang boses ang narinig niya. Lumingon siya at nakita niya ang lolo niya.

“Sure” sagot naman ng kuya niya habang ibinigay siya sa kanyang lolo.

“Grandpa?!” ‘yon lang ang nasabi niya.

“You are so lovely tonight apo, happy birthday” nakangiti nitong bati.

“Oh, grandpa I missed you so much” naiiyak niyang sabi.  “Thank you for coming.”

“Oh don’t cry Danielle. We missed you too” naiiyak na rin nitong sabi. “Tinawagan kasi kami ng kuya mo para pumunta dito sa party mo. Hindi ka na namin tinawagan kasi surprise daw” kwento nito.

“Well, I’m really surprised” wika niya. Nang may tumapik sa lolo niya.

“Ako naman grandpa.” Isang pamilyar na tinig ang nagsalita.

“Kuya Jasper! You’re here?” gulat niyang tanong. Ito ang panganay nila na nagtatrabaho sa Germany. Napromote ito bilang VP ng kompanya at inilipat ito sa main branch ng kompanya. Maganda na ang buhay nito kaya lang ay hindi pa nag-aasawa.

“Ja Danielle” nangingiting wika ng kuya niya. “Happy birthday sis. Wow, dalaga na bunso namin ah.” Sinisipat-sipat pa siya nito.

“Danke schön kuya” natatawa niyang sabi in German. “Kailan ka pa rito sa Pinas?” tanong niya.

“The other day pa. Sinulit ko na ang bakasyon ko at nagkataong birthday mo pa kaya umuwi na ko dito. Natanggap mo na ba ang regalo namin sa ‘yo?” sabi naman nito.

“Oo, ‘eto nga oh!” ipinakita niya sa kuya niya ang suot niyang kwintas.

“Ooppps, someone is coming” iyon lang at may pumalit na sa kuya niya. Si Johan iyon pagkatapos si Sherwin, sumunod si Robert. Hindi siya makapaniwala na pati ang ilan niyang kaibigan noong high school pa siya ay dumating. Hindi mapagsidlan ang kasiyahang nadarama niya. Maiyak-iyak siyang sumasayaw sa mga nagbibigay sa kanya ng mga 18 roses. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. Lahat nang nagbigay sa kanya ay malapit sa puso niya. Nai-excite siya kung sino ang kanyang ika-18th roses niya at last dance niya.

Akala niya ay may susunod na isasayaw siya pero walang dumating para yayain siya. Nagmukha tuloy siyang tanga dahil siya lang ang nakatayo sa gitna.

Nagulat siya ng may biglang nagtugtog ng piano at nagulat pa siya ng husto ng makita niyang si Dean iyon. ‘Marunong pala ‘tong mokong na ‘to magpiano ha! Dagdag points na naman‘.

“You’re an essay in glamour

Please pardon the grammar

But you’re every school boys dream

You’re Celtic, united, but baby I’ve decided

You’re the best team I’ve ever seen

And there have been many affairs

Many times I’ve thought to leave

But I bite my lip and turn around

‘Cause you’re the warmest thing I’ve ever found

You’re in my heart, you’re in my soul

You’ll be my breath should I grow old

You are my lover, you’re my bestfriend

You’re in my soul” (You’re in my Heart by Rod stewart)

‘Oh my! I love that song. I hate you Dean Evan Perez for singing this song! sabi niya habang kinikilig. ‘Please Dean, don’t smile baka matunaw ako!’ Ganun nalang ang kaba niya ng tinapos na nito ang kanta at bumaba ng stage. Lumakad ito patungo sa kanyang direksyon.

“May I?” magalang nitong yaya sa kanya. At nagpaubaya naman siya. “Rose for a lovely lady, happy birthday Danielle and happy valentines” bati nito sa kanya.

“Th-thank you!” nauutal niyang sagot nahalata na tuloy nito na kinakabahan siya. ‘Please Lord, help me. Ang gwapo talaga niya. Danielle, calm down’ sita niya sa sarili. Heto na naman sila, sumasayaw na parang walang tao sa paligid. Parang tumigil ang mundo para sa kanya ng mga oras na ‘yon. They dance with a love song that makes her happy. In his arms, she feels comfortable and safe.

“I’m sorry Dan for what happened. I didn’t want to…”

“No it’s ok Dean. I acted like a child back then and I didn’t mean to hurt your ex, I mean Dennise. I’m sorry” paumanhin niya.

“You don’t need to apologize, honey!” sagot naman nito. ‘Honey na naman? Ang sarap pakinggan pero ang hirap umasa, hahay.’

Nagbuntong-hininga ito bago nagsalita ulit. Naamoy niya ang mabangong hininga nito.

“Dan, I just want to protect from Dennise kaya ko ginawa ‘yon” tinitigan siya nito habang nagsasalita. Hindi siya mapakali dahil konti lang ang pagitan ng kanilang mukha. Hindi niya alam kung bakit tinitigan niya rin ito. Napadako siya sa mapulang lips nito. Napalunok siya dahil ang sarap siguro nitong humalik. How I wish siya ang first kiss ko. ‘Tumigil ka nga Dan. Mahiya ka nga sa sarili mo’ pinagalitan niya ang sarili.

“I like you Danielle” pag-amin nito. Hindi niya inaasahan ito baka binibiro lang siya.

“Huh?”

“I know hindi ka maniniwala pero noon pa kita gusto.” Lord, anong gagawin ko? Anong isasagot ko sa gwapong lalaking ito?

“What is this Dean? Is this one of your jokes?” ito nalang ang naging tugon niya dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Malakas ang kabog ng dibdib niya na parang nabibingi na siya.

“Do I look like one?” tiim-bagang balik tanong nito. “I will do anything just to prove it to you….” hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil napahikbi na siya. “Damn! Ssshh please don’t cry honey.” hinaplos nito ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya.

“Please don’t hurt me Dean!” umiiyak niyang sabi. “I don’t know what to say. Ngayon lang ko ‘to naramdaman sa tanang buhay ko” pag-aamin niya.

“I won’t hurt you Danielle” sabi nito at hinagkan ang noo niya. Nalilito siya pero ang alam niya gusto siya nito at gusto niya rin ito. Hindi siya makapaniwala na sa isang gabi lang ay natupad ang pangarap niya na walang Dennise na kontrabida. Ito na siguro ang pinakamaligayang kaarawan niya at hindi malilimutang sandali.

“Pa’no si Dennise?”

“Naa! She’s all in the past. Wala na ‘kong nararamdaman sa kanya mula nang lokohin niya ko.”

Maraming siyang bisita ang dumalo na hindi niya inaasahan. Nandoon din si Cath na akala niya noon na girlfriend ito ni Dean pero pinsan pala ito. Hindi niya mawari ang kasiyahang nadarama nang makita niya ang mga kaibigan at naging kaibigan niya. Nalaman niyang si Sam lahat ang nag-organize ng debut party niya at tumulong din ang kuya niya. Kinontak nito ang mga kaibigan niya noon.  Napag-alaman din niya na si Dean ang may-ari ng restaurant. Buong puso niyang pinasasalamatan si Sam sa ginawa nito.

“Sam, I don’t know what to say but thank you so much!” naiiyak na naman siya.

“Naku bes’, ‘wag ka ngang iyakin dyan. Smile and enjoy the night” biro ni Sam. “You are like a sister to me and ones in a life time ka lang na mag-i-eighteen kaya sulitin na.”

“Ikaw kasi, pinaiiyak mo ko” biro din niya at nagkatawanan sila. “Bes’, kami na ng kuya mo” pag-aamin niya.

“Really? Nagtapat na rin si kuya?” hindi makapaniwalang tanong ni Sam. “Wow bes’, I’m so happy.”

“Ssshh, wag ka ngang maingay” natatawa niyang pigil sa kaibigan.

“KJ mo talaga. Pero let’s celebrate it Dan” sabi nito at dinala siya sa dance floor para sumayaw.

Hanggang matapos ang gabi ay hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti sa labi niya. Hindi niya iyon mararanasan kundi dahil kay Sam. Kaya ang swerte niya dahil naging kaibigan niya ito. Mas naging Masaya ito dahil na rin sa nangyari sa kanila ni Dean. Hindi niya inaasahan na magtatapat na ito sa kanya.

Si Dean na rin ang naghatid sa kanya sa condo niya.

My Only You – Chapter 3

My Only You – Chapter 3

LUMABAS muna siya upang magpahangin at makawala sa grupo pero babalik din siya dahil gusto siyang pakantahin ni Jonas. Lumabas siya dahil hindi niya kayang tingnan sina Dan at Jacob na close na close sa isa’t isa. Nagseselos siya kapag magkasama ang mga ito pero wala siyang galit sa matalik na kaibigan. Akala niya na may gusto si Jacob kay Dan pero wala pala. Pero hindi pa rin niya maaalis ang pagseselos niya.

“Dean” bungad sa kanya ni Jonas. “Kanina ka pa namin hinahanap ah, nandito ka lang pala. Pasok na sa loob dahil it’s your turn pare na kumanta” natatawa nitong sabi. Wala siyang magawa kundi ang sumunod rito. Ayaw naman niyang pahiyain ang kaibigan kaya pinaunlakan niya ito. At nakita niya si Sam sa may stage dahil nag-emcee ito.

“Good evening ladies and gentlemen, I would like to introduce to you my brother, Dean Evan Perez, for his special number” pakilala nito. Palakpakan ang mga bisita.

Kinuha muna niya ang guitara at pumunta na sa harapan ng mga bisita. Maraming babae ang nagsisigawan nang tawagin siya pero si Dan lang ang tiningnan niya. Ngumiti naman ito sa kanya at sinisinyasan siya nito nang thumb’s up. Sinimulan na niya ang pagguitara sa intro ng kanta na entitled “I’m Yours”.

“This song is dedicated to all the beautiful ladies here tonight” sabi niya habang ang tingin ay kay Dan.

Lalong lumakas ng tili ng mga babae. Gulat nalang siya nang biglang nagsalita si Sam.

“With his partner, Miss Danielle Lex Rodrigues.”

Nagulat din ito sa pagkarinig. Parang nahihiya itong tumatanggi pero wala itong nagawa. Hindi niya namalayan na nakaupo na pala ito sa tabi niya.

Loko talaga ‘tong kapatid ko. Hindi niya mapigilang ngumiti.

“Kuya Dean, sabayan mo nalang ako pagnagkamali ako ha?” mahina nitong sabi.

At nagsimula na nga silang kumanta.

Well, you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but your so hot that I melted
I fell right through the cracks, now I'm tryin to get back
before the cool done run out I'll be givin it my best test
and nothin's gonna stop me but divine intervention
I reckon it's again my turn to win some or learn some

But I won't hesitate no more,
no more, it cannot wait
I'm yours...
...
...

(habang binabasa ito, mabuting makinig sa kantang I’m Yours)

Habang kumakanta ay pasulyap-sulyap naman siya kay Dan. She is so beautiful kahit hindi pa ito magpaganda. She’s sexy kahit parating naka t-shirt at pantalon lang ito. Damn! Mas lalong gumanda at sumeksi si Dan ngayon sa suot nito. Hindi niya maiwasang magalit sa mga lalaking tumitingin kay Dan.

“…..I’m Yours.” Natapos ang kanta ay di na naman niya kayang hindi mapatitig sa dalaga.

“Ang galing mo best.” nangingiting sabi ni Sam ky Dan. “Marunong ka rin palang kumanta ha. And you two are so perfect together” dagdag pa nito.

“Whatever Sam. You owe me a lot, mabuti nalang ay kabisado ko ‘yong kanta ha kundi mapapahiya ‘tong beauty ko.” Biro nito habang namumula ang pisngi.

MAY I dance with you?” yaya sa kanya ni Jacob.

“Are you sure kuya Jacob?” paninigurado niya. “Alam mo namang wala akong talent sa pagsayaw diba?” dagdag pa niya. Kanina pa siya niyayang magsayaw pero tumatanggi siya. “Hmmm, bakit ba hindi mo inayang magsayaw si Sam?” pag-iiba niya kaya naman hindi na siya nito kinukulit.

“Ayoko kasi na ang babae ang nangungulit sa ‘kin. Hindi sa hindi ko siya gusto kaya lang….” Hindi nito natapos ang sasabihin dahil binara niya ito.

“Aminin mo na kasi na may gusto ka rin sa kanya. Bakit ba kayong mga lalaki ay hindi ko maintindihan? Halata na ngang may gusto sa inyo, ayaw niyo pa. Kapag naman ayaw naming sa inyo, hahabol-habol naman kayo” naiinis na niyang sabi. Napalakas na rin ang kanyang boses. Nainis siya dahil ramdam niya ang kanyang kaibigan.

“O relax lang Dan. I didn’t mean that way” mahinahon nitong sagot. “Ayaw lang namin na uunahan kami ng mga babae, meron din kaming pride” pangangatwiran nito.

“Pride? That’s bullshit Jacob Lee Montez!” Galit na talaga siya. Kaya naman ay dali-dali siyang nagwalk out at baka sasabok na siya sa sobrang sama ng loob. Mabuti nalang ay hindi na siya sinundan ni Jacob para makapag-isip-isip siya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi naman siya ganun para makipagtalo sa isang bagay na tungkol sa pag-ibig.

Pumunta siya sa isang sulok na walang tao. Gusto niyang magpahangin para mahimasmasan. Lumanghap siya nang sariwang hangin nang naramdaman niyang may tumutingin sa kanya. Kinakabahan siya pero deadma nalang siya. Tinitingnan nalang niya ang mga isdang lumalangoy sa pond.

“What is the beautiful lady doing here?” tanong sa kanya ng isang lalaki habang nakatalikod siya. Hindi man lang niya namalayan ang pagdating nito.

“Ay, mama ko!” gulat na tugon niya. Pagkalingon na pagkalingon niya ay nagulat pa siya ng husto kung sino ang nasa harap niya. “Manggulat ba? Gusto mo ba akong patayin sa nerbyos?” kunway galit niyang tanong.

“Of course not honey!” nakangiti pa rin ito. ‘Hay, ang gwapo talaga ng mokong na ‘to’ sabi niya sa kanyang sarili habang kinikilig.

“What are you doing here?” tanong niya.

“I’m the one who should ask you that, honey” lumakad pa ito palapit sa kanya. “What is the beautiful lady doing here?” malambing na tanong nito. Lalong lumakas ang kaba niya. Napangiti siya sa sinabi nito. ‘Hmm, nakahalata rin sa ganda ko’. Nang nakalapit na ito sa kanya ay naamoy niya ang mabangong pabango nito. ‘Ang bango mo talaga Dean.’

“May gano’n ba? Well, I just want some fresh air” sagot naman niya. Hindi niya pinahalata ang excitement nadarama niya. “Kaw, ba’t nandito ka? Sinusundan mo ba ko?” walang hiya-hiya niyang tanong.

“As far as I know, ako ang nauna dito”  nakangiti pa rin ito. “Hmm, I think you need a company.” ‘Antipatiko! Buti nalang gwapo ka’ sa isip niya. Para siyang napahiya pero ginantihan nalang niya ito.

“Sorry, I don’t need a company. At saka hindi naman siguro bawal ‘pag nagpunta rito di ba?” pamimilosopo niya. Tumawa lang ito sa pinagsasabi niya.

“May I dance with you?” walang alinlangan nitong yaya sa kanya. Binaliwala ang pang-aasar niya.

“Huh?!”

Nagulat pa siya at hindi na siya nito hinintay pang makasagot. Hinatak siya nito ng dahan-dahan at napasandal   siya sa malapad nitong dibdib. Hindi na siya makapalag dito kasi para wala siyang lakas.

“God! You’re so beautiful tonight Danielle.” bulong nito na nagpakiliti sa kanya. Iyon lang at tahimik silang nagpakiramdaman. Sumasayaw sila kahit walang musika pero pakiramdam niya ay meron. They are so sweet and she want it that way. Hindi siya makapaniwala na nakasayaw niya ang crush niya. She doesn’t want to end it.

But, suddenly, they heard someone is clapping at their back.

“Bravo!(sinok)” bungad nito at agad silang nagkahiwalay. “What a wonderful scene! My Dean and…(sinok)” sabi nito na parang lasing ata habang tiningnan siya nito from head to foot. Lumakad ito na parang matutumba patungo sa kanila hanggang nakalapit na rin ito.

“Stop it Dennise! What are you doing here?” galit na saway ni Dean.

“…and (sinok) the bitch. Sweetie, ito ba ang ipinagpalit mo sa ‘kin ha Dean? Isang nene?” dugtong nito sabay tawa na parang witch at ito’y nagpainit sa ulo niya.

“I said stop it!” isang maawtoridad na sabi ni Dean.

Pero hindi siya nagpaapekto rito at isang sampal ang inabot ni Dennise. Nagulat din siya kagaya nito sa ginawa niya pero hindi niya ‘yon pinagsisihan. Tama lang ang kanyang ginawa dahil hindi na niya maaatim ang pang-iinsulto nito.

“Don’t you dare to talk to me like that ever again” nanginginig niyang sabi. “Hindi lang ‘yan ang matitikman mo.” Galit na talaga siya.

“Aba at…” sigaw nito habang tinatangkang susugurin siya. Mabuti ay naagapan nito agad ni Dean at hawak ito sa mga bisig nito. Dumating din si Sam nang marinig ang gulo.

“What are you doing Dan?” kunot-noong tanong ni Dean sa kanya na parang sinisisi siya.

“What?!” galit na rin niyang sabi.

“She’s drunk and she’s out of her mind right now! Sana inintindi mo” si Dean iyon na parang galit.

“What? Now it’s my fault?” sigaw niyang sabi. “To hell I care if she’s drunk. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko na hindi mo ginawa. Well, sino naman ako sa’yo ha kumpara sa ex mo?” naiiyak na niyang sabi pero pinigil niya ang sarili.

“See? I know you still love me Dean” sabad naman ni Dennise na nakapulupot kay Dean.

‘Ang arte-arte ng bruhang ito, sarap sabunutan’ gigil niyang bulong sa sarili.

“’Kaw babae, h’wag na h’wag mong agawin si Dean sa ‘kin” may pagbabanta nitong sabi sa kanya.

“He’s all yours Dennise” sarkastiko niyang tugon.

“Kuya, what are you doing?” si Sam iyon na hindi makapaniwala sa nangyari at nakalapit na rin pala sa kanyang tabi.

“Please Sam, ‘wag kang makialam. Damn!” sabi nito na nagpagalit sa kanya nang husto. What’s with this woman na gayun na lamang ang pagtatangol nito. Ganito ba niya kamahal ang babae? Di ba pinagtaksilan na siya nito? Hay naku, bulag ba ito o nagtanga-tangahan? Masakit man ay wala siyang magagawa dahil ito ang first love ni Dean.

“Magsama kayong dalawa. Hindi na sana ako nagtiwala sa ‘yo!” baling niya kay Dean sabay talikod.

“You owe me an explanation kuya” wika ni Sam sabay sunod sa kanya.

“Pare, anong nangyari dito?” Narinig niya si Jacob na kadarating lang. Pero hindi na niya narinig ang naging tugon ni Dean.

“Dan, ihahatid na kita” pahabol ni Sam.

“No Sam, ako na” paubaya ni Jacob habang sumusunod ito sa kanya.

Akala niya na hahabulin siya ni Dean pero as expected ay hindi na. Lalong siyang napaiyak. Para siyang pinagtulungan ng mga ito.

“Ssshh, tahan na Danielle” sabi ni Jacob habang nasa kotse na sila. Hindi na siya sumagot pa. “I know may dahilan si Dean kaya niya ginawa ‘yon.”

Hanggang makarating siya sa condo niya ay hindi pa rin humihinto ang kanyang luha sa pagdaloy. Hindi niya alam kung bakit ganun nalang siya kaapektado. Crush lang naman niya ito. Hindi kaya mahal na niya ito? ‘Nooooo!’ tanggi ng isipan niya. Masakit isipin na ang lalaking akala mo’y magtatanggol sa ‘yo ay hindi pala kayang ipagtanggol ka. Mas masakit pa ay malaman na mahal pa rin pala ni Dean si Dennise.

Gusto na niyang matulog para hindi na niya mararamdaman ang sakit sa puso niya. Mabuti nalang ay walang pasok bukas. Pero hanggang sa panaginip pala niya ay hindi siya nilulubayan ng dalawa. Pang-iinsulto ni Dennise at pangtatanggol ni Dean nito.