My Only You – Chapter 8

My Only You – Chapter 8

IT’S DEAN! Kasama ang mga kabarkada nila noon hanggang ngayon. And hindi lang sila kundi may mga kasama rin pala ang mga ito na mga babae na maiikli ang mga damit na wari mo’y nakahubad na. Ang hindi niya mapaniwalaan ay ang babaeng nakapulupot kay Dean at walang iba kundi si Dennise. Para itong linta kung kumapit sa boyfriend niya.

Ibang kaba ang naramdaman ni Dan nang titigan niya Dean. It’s like that ibang Dean ito dahil sa kakaiba nitong kilos.

Hindi nakaligtaan ng mga mata niya ang paghalik ni Dennise sa labi ni Dean. Hindi lang isang simpleng halik kundi a short torrid kiss. Kaya binaling nalang niya ang tingin sa iba. Sakit at galit ang naramdaman niya ngayon.

“Bes” pang-aalo ni Sam sa kanya habang hinigpitan  pa nito ang pagkakahawak sa kamay niya.

“I’m ok” she said in a calm tone to make sure that she’s not affected.

“Are you sure?” paniniguro ni Sam sa kanya at binitawan na nito ang kamay niya.

“Yeah!” aniya sabay tango.

Buti nalang ay hindi sila agad nakikita ng mga ito. Malayo sila sa entrance ng bar at medyo madilim ang lugar nila. Bigla siyang nakaramdam ng pagrerebelde kaya bigla niyang kinuha ang shot glass na may lamang tequila.

“Dan, what are you doing? Hindi ka marunong uminom niyan” saway ni Sam sa kanya habang pilit nitong kinuha ang baso sa kanya. Instead of answering her, she lick the skin between her thumb and forefinger as what she saw in some movies and sprinkle a little amount of salt. Holding a lime, she quickly licked the salt and drink the tequila and then, she bit the lime.

“Aaarggghhh! Hooh! Ang sarap.”

Hindi niya naintindihan ang lasa ng ininum niya pero na feel niyang init na dumaloy sa kanyang lalamunan patungo sa tiyan niya.

Hindi na nakapalag si Sam sa ginawa niya. Nakamasid nalang ito sa kanya at tumahimik habang may katext ito. Hindi naman makapaniwala ang mga kaibigan nila sa ginawa niya.

“Akala ko ba hindi ka marunong uminom Dan?” nangingiting tanong ni Andrea sa kanya.

“Yeah! But there’s always a first time di ba?” sabi niya at tumawa siya ng malakas. “Oops! Sorry” aniya at tinakpan niya ang bibig niya.

Nakakailang shots na siya ng tequila kaya sobrang higpit na ng mga kaibigan niya. Hindi na sila nag-order ng tequila para hindi na siya makainom. She’s drunk and she knows it because she’s very noisy at all but she really don’t care. Pero kaya pa niya ang sarili. Gusto niyang magrebelde at gusto niyang makalimot kaya gusto pa niyang uminom ng tequila.

“I want more!” sabi niya.

“No Dan! You’re drunk already!” tanggi ni Sam.

“What? No, I’m not drunk Sam” pagsisinungaling niya. “W-waiter” tawag niya agad sa waiter na may dalang tequila at lumapit naman agad ito. “Another ten shots of tequila please?”

“Stop it Dan” saway na naman ni Sam at bumaling ito sa waiter na kalalapag lang ng dalawang shot glass ng tequila. “Sorry, put it back.”

NAGVIBRATE ang kanyang cellphone at nang tingnan niya ito ay one text message ang nakalagay sa screen. Pinindot niya ang accept button at nakita niya ang pangalan ni Sam. Ayaw sana niya itong basahin pero na-curious siya dito.

WAT R U DOING HERE KUYA? tanong nito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang tinanong nito sa kanya kaya nireplyan niya ito.

WAT? WAT ARE YOU SAYNG? D2 AQ SA BAR KASAMA ANG BARKADA. aniya.

I KNW KYA IM ASKNG U! WE’R HERE @ D SAME PLACE AT NKITA KAU NI DAN, KAUNG 2 NI DENNISE NA NGLA2MPUNGAN @ NGHA2LIKAN! Hindi siya makapaniwala sa nabasa kaya inulit niya ito.

WER R U?

WER HERE @ D CORNER..PASIMPLE KONG ITAAS 2NG CP Q PRA MAKITA MO KAMI!

OK! Agad niyang nakita kung saan nakaupo sila Sam. Nakita rin niya ang pag-inom ni Dan ng tequila. Tiim-bagang niyang minamatyadan ang bawat kilos nito. Buti nalang hindi nakahalata ang mga kasama niya lalo na si Dennise. Nakailang shots na rin si Dan kaya galit niyang tinext ang kapatid.

SAM, Y SHUD U STOP HER? SHE’S DRUNK!

EH, AYAW MAGPAPIGIL! SHE WANTS MORE PA DAW!

Y DD U BROUGHT HER HERE INSTEAD? 8S UR FAULT, U KNW SHE’S NOT A DRINKER!

WHOAT?!!!!KASALANAN Q PA NGAYON? FYI, 8S UR FAULT BCOZ U WANT DS 2 HAPEN!

Damn! Napamura siya sa kanyang isipan. Kasalanan niya dahil pinaubaya niyang hagkan siya ni Dennise at nagkataong nakita ni Dan. Napalingon silang lahat ng may nagsalita at paglingon niya ay si Dan iyon. Kunot-noong nakatingin ang mga kaibigan niya sa nagsalita.

“Hey people, you want me to drink this?” paghahamon nito sa mga tao ro’n habang itinaas nito ang isang shot glass ng tequila. Hiyawan ang mga tao lalo na ang mga lalaki. “Are you sure guys? Sabi nila hindi ko na raw kaya!” dagdag pa nito. Dan is so damn beautiful kahit nalasing na ito. Maamo pa rin ang mukha nito. Ganun nalang ang pagseselos niya dahil lahat nalang yata ng mga lalaki ay nakatingin kay Dan.

“Kaya mo pa ‘yan! Inom” sigaw ng isang lalaki. At ngumiti si Dan sa narinig.

“Inom! Inom! Inom!…..” sigaw ng mga tao na parang nag-eengganyo sa dalaga na uminom. At tinuloy nito ang pag-inom sa tequila at pagkatapos ay nagthumbs-up pa ito. Pinalakpakan naman siya ng mga tao roon.

“Is that Danielle? My gosh, nakakahiya siya ha!” panunuya ni Dennise. Hindi na siya umimik dahil baka masigawan lang niya ang dalaga.

“Teka! Si Dan ba ‘yun?” ‘di makapaniwalang tanong ni Jacob. Tumango lang siya at tumayo.

Napahinto siya nang lalapitan na sana niya si Dan dahil lumakad ito patungo sa stage ng bar. Kumuha ito ng gitara at umupo sa harap ng microphone. Lahat ay tumingin kay Dan at nagpalakpakan na naman.

“Hello po uli sa inyong lahat” sabi nito. Lalong lumutang ang ganda ni Dan nang ngumiti ito pero parang nang-aakit. Damn! Nagseselos siya dahil lahat ng lalaki ay nakatitig sa mahal niya. “This song is didecated to all the girls that are being dumped by their boyfriends” ngumiti ito ng payak nang sabihin nito ‘yon.

LASING na siya pero nakuha pa rin niyang lumakad patungo sa stage para kumanta. Bilib siya sa kanyang sarili dahil hindi man lang siya nakaramdam ng hiya ng mga sandaling iyon. Nagpasalamat siya sa alak na nagpawala ng hiya niya. Ngayon lang niya naipakita ang talent niya sa paggi-guitara.

Sinimulan na niya ang pagguitara ng kantang isa sa mga paborito niya ngayon.

“All this time I was wasting,
Hoping you would come around
I’ve been givin’ out chances every time
And all you do is let me down
And it’s taken me this long baby
But I figured you out
And you think it would be fine again
But not this time around

You don’t have to call anymore
I won’t pick up the phone
This is the last straw
Don’t wanna hurt anymore
And you can tell me that you’re sorry
But I don’t believe you baby,
Like I did before
You’re not sorry.
Oh no, no, no…..”

Habang kinakanta niya ito ay nakipagtitigan siya kay Dean. Para itong galit pero hindi pa rin niya kinuha ang tingin. Gusto niyang iparamdam dito ang sakit na nadarama niya ngayon.

“Thank you!” aniya pagkatapos siyang kumanta. Lahat ay naghiyawan at parang gusto pa nilang pakantahin siya pero humindi na siya. Hindi na niya kaya, nahihilo na siya. Dumiritso na siya sa mesa nila kung saan malapit lang sa stage. Kinuha niya ang bag niya dahil gusto na niyang umuwi.

“Wow! Kumakanta ka pa sa kalagayan mong ‘yan? Parang hindi ka lasing ah!” nangingiting tanong ni Nicole.

“Excuse me, I’m not drunk!” tanggi niya sa kaibigan at bumaling siya kay Sam. “Sam, una na ‘ko ha medyo masakit na ulo ko. Teka! Where’s my key?” takang tanong niya kay Sam.

“Hay naku Dan! Lasing ka na talaga!” natatawang sagot ni Sam. “Wala kang dalang kotse ok?”

“Huh? Naku!” tinampal niya ang kanyang noo nang matandaan na wala pala siyang dalang kotse.

“Anyway, ihahatid na kita!” anito at tumayo agad at bumaling sa ibang kaibigan. “Well, mauna muna kami ha parang baliw na ‘tong friends natin.”

Tumango lang ang mga ito bilang pagsang-ayon. Inalalayan siya ni Sam sa paglakad dahil nawalan na siya ng balanse. Parang siyang baliw dahil hindi niya mapigilan ang sariling magsalita ng kung anu-ano at biglang tatawa. Nakarating sila sa kotse ni Sam at gusto na niyang pumasok agad sa kotse nito nang may pumigil sa kanya.

“Hey! Let me go” asik niya at nang makita niya kung sino ang pumigil sa kanya ay biglang nabuhay ang galit na nadarama niya kanina.

“I’ll take you home” seryosong sabi nito at iginiya siya nito palayo kay Sam.

“Teka nga! Bitawan mo nga ako, pumayag ba akong ihatid mo ako? At saka, walang kasama si Sam” galit niyang tugon rito. Naiinis siya sa lalaking ito dahil wala siyang lakas para pumalag. “Bitawan mo ‘ko kung hindi sisigaw ako” pagbabanta niya pero hindi ito tuminag.

“Go on, shout if you like!” pagpapa-ubaya naman nito at tumitig sa kanya. Pagkatapos ay bumaling ito kay Jacob.  “Jacob will take her home” tinukoy nito ang kapatid nito.

Wala siyang nagawa kundi magpumiglas para makawala sa pagkakahawak nito. Pero hindi niya inasahan ang gagawin nito. Bigla siyang binuhat na parang ang gaan-gaan lang niya at lumakad uli patungo sa kotse nito. At nang makarating sila sa kotse nito ay binuksan agad ang passenger’s seat at ibinaba siya. Pagkatapos nitong isinara ang pinto ay agad itong umupo sa driver’s seat at pinaandar ang kotse. Wala na siyang ginawa dahil ini lock na nito ang mga pinto.

Habang binaybay ang daan ay tahimik lang silang dalawa. Nabibingi siya sa katahimikan kaya binasag niya ito.

“You know what? I hate you Dean! Bakit mo pa ko hinatid? Ba’t hindi mo ihatid ang malandi mong girlfriend!” diniinan niya ang huling salita. Inis at galit talaga ang naramdaman niya pagnaalala niya ang paghahalikan ng dalawa.

Tumahimik siya at muli nanaig ang katahimikan.

Nang walang magawa ay hinarap niya ang nagmamanehong si Dean at tinitigan niya ito kahit medyo nanlalabo ang paningin dahil sa kalasingan.

‘Ang gwapo talaga niya. Damn! Ba’t hindi ko magwang kalimutan ka at magalit sa ‘yo?’ sabi niya sa sarili.

Habang tinitigan niya ito ay hindi niya maiwasang mapuna ang pagbabago nito. Hindi niya mawari pero parang may mali kay Dean. Ngayon lang niya napagtanto na parang hindi si Dean ang kasama niya. Impossible! Nag-iisa lang si Dean. Ipiniksi niya ang ulo para mawala ang kahibangan niyang iyon.

‘Am I that drunk? Kung anu-ano nalang ang napupuna ko? Stop it Dan!’ sita niya sa sarili. At binaling ang tingin sa daan.

Nakaramdam siya ng antok habang nakatingin sa daan at sumasakit na rin ang ulo niya. Kaya naman, she make herself comfortable at natulog.

NANGINGITI siyang pinagmasdan niya ang natutulog na dalaga. Para itong bata kung matulog, nakapatong ang mga paa sa iniuupuan nito. Kanina pa niya napapansin ang dalaga na tumitig sa kanya. Kinabahan siya baka mapuna siya nito.

Nakuha niyang titigan ng matagal ang dalaga nang magred light. Danielle looks innocent because of her angelic face. Parang isang babasaging crystal na dapat alagaan ng mabuti pero hindi niya inakala na ganito ito katapang. Bilib siya rito nang ipaglaban nito talaga ang pag-ibig nito sa ‘kanya’.

HOW WAS SHE? tanong sa kanya na nasa kabilang linya. Nasa condo na siya matapos niyang ihatid si Dan sa condo nito.

SHE’S OK! sagot niya.

GOOD! ito lang ang nasabi nito.

SO, ANONG PLANO MO? KAILAN MO BANG GUSTONG IPAGTAPAT SA KANYA ANG LAHAT? tanong niya.

I DON’T KNOW! anito na bakas ang lungkot sa boses nito.

MAYBE YOU SHOULD ALSO TELL MOM AND SAM. THEY DESERVE IT! aniya.

I KNOW BUT NOT NOW. OH SIGE NA, TATAWAG NALANG AKO ULI. BYE! paalam nito. Hindi na siya hinintay na makasagot pa dahil pinindot na nito ang end button.

Naiinis siya sa sarili dahil wala siya magawa para maibsan ang sakit na nadarama ngayon ng kakambal.

Leave a comment